Crime rate bumaba ng 73.76%
- Published on February 25, 2022
- by @peoplesbalita
BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na lamang ito noong 2021.
Sinabi ni Año na ito’y bunga na rin ng mga episyenteng programa ng administrasyong Duterte laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.
Tinukoy ng kalihim ang crime index bilang lawbreaking offenses na ikinukonsidera bilang ‘serious in nature’ gaya ng murder, homicide, rape, robbery, carnapping, physical injuries at walong iba pang special complex crimes, bilang halimbawa.
Anang DILG chief, kumpara sa 374,277 crime incidents noong 2020, ang numero ay bumaba sa 360,573 noong 2021 o 3.66% pagbaba.
Pagdating sa peace and order, mayroon ding malaking pagbaba sa index crimes at non-index crimes na mula 377,766 incidents noong 2016 ay naging 211,237 noong 2021.
Binigyang-diin ni Año na nangangahulugan ito na nararamdaman ng publiko ang pagganda ng peace and order situation ngayon, dahil mas naging kumpiyansa na sila sa kakayahan ng pamahalaan na protektahan sila laban sa mga lawless elements.
-
Nasa mahigit 3,000 pasyente ang nabigyang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) Emergency Medical Services (EMS) Teams
SA ILALIM ng direktiba ni PRC Chairman at CEO, Senator Richard J. Gordon ay nagtalaga ang PRC ng nasa 1,399 PRC EMS personnel, operating 127 first aid stations, at 97 ambulance units sa mga simbahan, highway, terminal, beaches, parks, pilgrimages, and mga bundok sa buong bansa mula Abril 10 (Palm Sunday) hanggang Abril 17 (Eastern […]
-
Tubig sa Angat ‘di sasadsad sa critical level -MWSS
HINDI sasadsad sa critical level ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan. Ito ang pampakalmang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa publiko kaugnay ng antas sa krisis sa tubig. Sinabi ni Engineer Patrick Dizon, Division Manager ng MWSS na batay sa pag-aaral na ginawa ng Inter-Agency […]
-
Rematch kay Inoue asahan na mas ‘brutal pa’ sa 1st fight – Donaire
NGAYON pa lamang pinaghahanda na rin ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mga boxing fans dahil sa tiyak daw na umaatikabong bakbakan ang magaganap sa rematch nila ng Japanese superstar na si Naoya Inoue sa darating na Martes, Hunyo 7 Si Inoue ang may hawak ng dalawang korona sa […]