• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 pang probinsya, nagtala ng ASF outbreak – DA chief

IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa.

 

Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.

 

“Ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag- iimplement ng elevated quarantine measures,” wika ni Dar.

 

Batay sa pinakahuling datos mula sa kagawaran, umabot na sa mahigit 300,000 mga baboy ang kinatay sa 28 probinsya.

 

Upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit, nagpatupad ng mahigpit na movement protocol ang gobyerno sa mga pork products at sa mga buhay na baboy.

 

Para makatulong naman sa mga apektadong hog raisers, sinabi ng kalihim na nagbibigay ng P5,000 kompensasyon ang kagawaran para sa kada baboy na isasailalim sa culling.

Other News
  • NADINE, nagsimula nang mag-shooting at si DIEGO ang napiling ka-partner; netizens nag-react sa teaser photos

    NAGSIMULA na ngang mag-shooting si Nadine Lustre para sa comeback film niya sa Viva Films at sa direksyon ni Yam Laranas.     Nag-post na si Direk Yam ng teaser photos sa kanyang Instagram account na may caption na, “GREED @vivamaxph #actor@nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography#filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment.”     Marami namang […]

  • DENR MAY TEMPORARY CLOSURE ORDER LABAN SA ‘CHOCOLATE HILLS RESORT’

    NILINAW ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ilang buwan nang may “temporary closure order” ang isang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.     Laman ng batikos ang The Captain’s Peak Garden and Resort sa gilid ng tanyag na burol, na una nang idineklarang protected area […]

  • “Philippine Traditional Wear Day” tuwing Hunyo 12, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagtatalaga sa Hunyo 12 bawat taon bilang “Philippine Traditional Wear Day.”   Sa inihaing House Resolution 1374 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, layon nito na isulong ang kamalayan at pagsasanay sa kulturang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.   Isinasaad sa resolusyon na ang […]