• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Philippine Traditional Wear Day” tuwing Hunyo 12, aprubado

Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagtatalaga sa Hunyo 12 bawat taon bilang “Philippine Traditional Wear Day.”

 

Sa inihaing House Resolution 1374 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, layon nito na isulong ang kamalayan at pagsasanay sa kulturang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.

 

Isinasaad sa resolusyon na ang pagsasanay sa pagsusuot ng mga tradisyunal na Pilipinong kasuotan ay isang uri ng kapangyarihan sa kultura, isang impluwensyang hindi namimilit na mekanismo na maaaring gamitin upang suportahan ang kultura ng salinlahi at pamana, na magpapatibay sa diwa ng nasyunalismo sa mga Pilipino

 

“Isa itong bagong sibol ng pagkasigasig na tutuklas at magbibigay ng malalim na pagmamahal sa ating kultura ng mga kabataang Pilipino, na nasa ating bansa man o nasa ibayong dagat,” ayon sa paliwanag ng HR 1374.

 

Ayon pa sa panukala, ang pagsusulong ng kapakanan at pagmamalaki sa mga tradisyunal na Pilipinong kasuotan ay lilikha ng mga kahilingan para sa mga produkto na gawang Pilipino.

 

“Ang pagdami sa kahilingan para sa mga produktong Pilipino ay magpapasigla sa interes ng mga Pilipino na pag-aralan ang paggawa ng mga tradisyunal na likhang sining na maaaring magpalakas sa industriya,” nakasaad pa sa resolusyon.

 

Sinabi ni Torres-Gomez na ang mahabang lockdown na ipinatupad sa bansa ay naging sanhi ng pagdami ng pagpapahalaga at paghanga para sa mga Pilipinong kasuotan.

 

“Ang paglago sa mga paninda sa pamamagitan ng online ay nagbigay ng pagkakataon sa ating mga naghahabi, nagdidisenyo, at mga mananahi, na karamihan ay mga micro at small scale enterprises, na ipagmalaki ang kanilang mga likhang produkto sa merkado ng social media,” ani Torres-Gomez. (ARA ROMERO)

Other News
  • Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round

    Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.     Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win.     “Tumutok […]

  • Japan, nagbukas ng scholarship applications para sa Japanese studies, teacher training

    NAGBUKAS ang Embahada ng Japan sa Pilipinas ng aplikasyon nito para sa mga Japanese Studies and Teacher Training category ng 2025 Japanese Government (Monbukagakusho) scholarship. Sa pamamagitan ng Japanese embassy sa Maynila , inanunsyo ng Japanese government ang pagbubukas ng scholarship programs, araw ng Biyernes, Disyembre 27. Ang mga aplikante ay dapat na Filipino citizen […]

  • Nasita sa helmet, rider buking sa droga sa Valenzuela

    KALABOSO ang 42-anyos na factory worker matapos mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), RA 10054 (Motorcycle Helmet law of 2009), Section 19 at 15 of RA […]