• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, naghahanda ng tax measures para bayaran ang COVID-19 response

NAGHAHANDA na ang Department of Finance (DOF) ng fiscal consolidation proposal nito para sa gagawing pagpapataas sa singil sa buwis para pambayad sa tumataas na utang ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), na kasama sa kanyang panukala ang measures o mga hakbang na makapalilikha ng revenues o kita para pambayad ng bansa sa utang na ginamit para tugunan ang COVID-19 pandemic.

 

 

“We are just putting the final touches on our fiscal consolidation plan and we are not… At this point I don’t have a complete package but certainly, looking realistically at our situation, we have to pay for COVID,” ayon kay Dominguez.

 

 

“I mean, we cannot just have COVID and not pay for it okay. You don’t know how much we spent in just paying for the vaccines,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa huling data ng DOF, nakasaad dito na naka-raised ang bansa ng $22.55 billion na budgetary support financing “as of January 14, 2022.”

 

 

Kabilang na rito ang mga kasunduan sa Asian Development Bank, World Bank, Asian Infrastructure Investment Bank, tAgence Française de Développement, Japan International Cooperation Agency, Bank of Korea Economic Development Cooperation Fund, at foreign currency denominated global bonds.

 

 

“Again I tell you, doing tax reform, doing any reform requires a lot of planning and a lot of strategic thinking. You cannot just go there and start waving a banner and say, ‘Oh, we’ll do this, we’ll do that,’ you can’t do it,” ayon kay Dominguez.

 

 

“You have to sit down, think about it, think who your enemies are, think who your friends are, and hopefully your enemies make mistakes and that you don’t,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng liderato ni Dominguez, sinimulan ng DOF ang tax reform program ng administrasyong Duterte na may mga kaukulang batas gaya ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), atCorporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE).

 

 

“Reforming the tax system in this country required a lot of confidence and it was a confidence building exercise,” ayon kay Dominguez.(Daris Jose)

Other News
  • Arsobispo, nagpapasalamat sa “go signal” ng pamahalaan na makapagdiwang ng Simbang Gabi at Misa de Gallo

    Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na hindi padadala sa takot bagkus ay palakasin ang pananampalataya sa Panginoon.   Sa homiliya ng arsobispo sa unang Misa de Gallo na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Immaculate Heart of Mary sa Minglanilla Cebu, sinabi nitong higit na makatutulong ang pagkapit sa Diyos sa gitna ng […]

  • PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan

    BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang  kakaibang katapangan at giting sa  pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.     Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino  na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng […]

  • P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI

    SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.     Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa […]