Arsobispo, nagpapasalamat sa “go signal” ng pamahalaan na makapagdiwang ng Simbang Gabi at Misa de Gallo
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na hindi padadala sa takot bagkus ay palakasin ang pananampalataya sa Panginoon.
Sa homiliya ng arsobispo sa unang Misa de Gallo na ginanap sa Archdiocesan Shrine of Immaculate Heart of Mary sa Minglanilla Cebu, sinabi nitong higit na makatutulong ang pagkapit sa Diyos sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyang panahon.
“Do not fear, only have faith; huwag matakot sapagkat may pananampalataya tayo sa Diyos na malalampasan natin ito,” pagninilay ni Archbishop Palma.
Matatandaang isa ang Cebu City sa naging hotspot’s ng COVID-19 pandemic dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso kaya’t nagkaisa ang lahat ng sektor sa lugar upang mabawasan at mapigilan ang pagtaas ng mga nagpositibo sa virus.
Ikinatuwa ng arsobispo na pinayagan ng pamahalaan ang simbahan na makapagdiwang ng simbang gabi at misa de gallo, ang siyam na araw na paghahanda sa Pasko ng Pagsilang ng manunubos.
Aniya, maituturing itong pribilehiyo sapagkat nanatili pa rin ang banta ng virus sa lipunan hanggang sa kasalukuyan na patuloy tinutugunan ng mga eksperto sa kalusugan.
Mahigpit na ipinatupad sa mga simbahan ng arkidiyosesis ang mga safety health protocol na iminungkahi ng Inter Agency Tasks Force kabilang na ang pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas ng kamay, pag-check ng temperatura at paggamit ng alcohol.
Kaugnay sa unang Misa de Gallo, ipinagdarasal ni Msgr. Hernando Coronel-rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Poong Hesus Nazareno ang isang manigong bagong taon sa mga mananampalataya.
-
Sa prestigious Jinseo Arigato International Film Festival: Direk NJEL, pinarangalan bilang ‘Best International Film Director’
MATAPOS maglunsad ng anim na pelikula nang sabay-sabay, naipanalo na naman ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios ang ating bayan sa prestihiyosong Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. Pinarangalan si Direk Njel ng “Best International Film Director” Award sa malaking Nagoya Trade and Industry Center sa Nagoya, Japan. Ang award ay ginawad ng […]
-
BI ipapatupad ang ILBO laban sa opisyal ng OVP
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na nakatanggap sila ng kopya ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inisyu laban sa pitong opisyal sa Office of the Vice President (OVP). Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kautusan ay natanggap nila nitong November 6 kaya isinama nila ang pangalan ng pitong opsiyal sa […]
-
Glen Powell rides into the eye of the storm as tornado wrangler Tyler Owens in “Twisters”
Glen Powell has always had an interest in joining the disaster thrill-ride, “Twisters,” since he caught wind of it. He’d been keeping close tabs on the project while working with Joseph Kosinski for “Top Gun: Maverick,” as Kosinski was developing the story for “Twisters.” “Joe told me what an exciting movie this was going to […]