Tugon sa trending sa FB na #wagkalimutanyungbinulsang 15BsaPhilhealthChallenge
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
NANANATILI ang posisyon ng pamahalaan na panagutin ang mga tiwaling opisyal ng Philippine Health Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian sa state insurer.
“There is no let-up in our drive to make erring officials of the Philippine Health Corporation (PhilHealth) accountable for their alleged misdeeds,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bilang tugon sa trending ngayon sa FaceBook na #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge.
Sa katunayan aniya, ang Department of Justice, sa pamamagitan ng PhilHealth Task Force, ay isinasapinal na ang reklamo laban sa mga opisyal na nasa report na isinumite kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sampahan ng kaso sa tamang venue.
Kaalinsabay nito, ang composite teams na inatasan na tingnan hindi lang ang PhilHealth Legal Sector ay nagpapatuloy sa kanilang inbestigasyon.
“Zero tolerance against corruption is not just a catchphrase but a serious matter in the current administration,” ayon kay Sec. Roque.
-
Senator Imee Marcos, naghain na rin ng COC
NAGHAIN na rin ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senator Imee Marcos sa ikalawang araw ng COC filing sa The Manila Hotel Tent City,Oktubre 2. Si Sen.Imee na pag-19 na sa mga Senador na naghain ng COC, sa ilalim ng dating Partido Nacionalista at hindi kaalyado ng anumang pangkat, sektor o grupo […]
-
May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel
PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’ Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae. […]
-
3 players pinagmulta ng NBA dahil sa headbutting incident sa Mavs-Hornets game
Pinatawan ng NBA ng multa ang tatlong mga players matapos ang nangyaring headbutting incident sa pagitan ng Dallas Mavericks at Charlotte Hornets kamakailan. Ayon sa NBA, pinagmumulta ng $40,000 si Mavericks forward James Johnson, habang si Hornets forward Cody Martin ay may $25,000; at $20,000 naman kay Caleb Martin. Nangyari ang insidente noong […]