• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 players pinagmulta ng NBA dahil sa headbutting incident sa Mavs-Hornets game

Pinatawan ng NBA ng multa ang tatlong mga players matapos ang nangyaring headbutting incident sa pagitan ng Dallas Mavericks at Charlotte Hornets kamakailan.

 

Ayon sa NBA, pinagmumulta ng $40,000 si Mavericks forward James Johnson, habang si Hornets forward Cody Martin ay may $25,000; at $20,000 naman kay Caleb Martin.

 

Nangyari ang insidente noong fourth quarter ng 118-99 victory ng Hornets laban sa Mavs noong Huwebes sa Dallas.

 

Pinagmulta si Johnson nang sinadya nitong itulak si Cody Martin at komprontahin kalaunan.

 

Habang si Cody Martin ay pinarusahan din matapos gumanti ng pagtulak kay Johnson, at magkaroon ng contact sa isang game official.

 

Si Caleb Martin ay minultahan nang manghimasok sa gulo.

Other News
  • Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 na bise-presidente ng Pilipinas

    NANUMPA  na  si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa  pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.     Nagbigay  ng maikling talumpati si  VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan.     “Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — […]

  • Parang gusto nang iwanan ang pagkanta: JK, na-enjoy ang pag-arte at pagganap bilang ‘Ninoy Aquino’

    NAG-E-ENJOY na raw talaga si Juan Karlos “JK” Labajo sa pag-arte.     Nagbiro pa ito nang makausap namin sa celebrity premiere ng musical film niyang “Ako Si Ninoy” na parang gusto na raw niyang iwan ang singing at umarte na lang.     Pero siyempre, obvious na biro lang ito kay JK dahil first […]

  • Nakagugulat ang naging rebelasyon: GLADYS, makikiusap kay JUDY ANN para matuloy ang ideya na magsama sa isang concert

    NAKAGUGULAT ang rebelasyon ni GLADYS REYES na isang concert ang ideya niya na maging reunion project nila ni Judy Ann Santos. “Sa totoo lang, naisip ko na yan,” umpisang sinabi ni Gladys. “Kasi inspired by yung ginawa nina ate Sharon at kuya Gabby.” Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby […]