Chot dismayado sa pullout ng South Korea
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
DISMAYADO si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa biglaang pullout ng South Korea sa FIBA World Cup Qualifiers na sasambulat ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.
Nagdesisyon ang pamunuan ng Korea Basketball Association (KBA) na lumiban sa February window matapos magpositibo ang isa sa 12 players nito sa lineup.
Kaya naman apektado ang training camp ng Gilas Pilipinas.
Inamin ni Reyes na isa ang South Korea sa mga pinaghahandaan nito sa qualifiers lalo pa’t dalawang beses sana itong makakalaban ng Gilas Pilipinas.
“It throws a monkey wrench in our preparations because we have been preparing for Korea for the past week,” ani Reyes.
Mula sa apat na laro, magiging dalawa na lamang ang laro ng Gilas Pilipinas sa qualifiers — laban sa India sa Biyernes at kontra sa New Zealand sa Linggo.
Nabago ang program ng Gilas Pilipinas na sesentro na lamang sa kung paano tatalunin ang India at New Zealand.
“We would like to think that we built this team on versatility. Agility was one of the very first things we talked about in our first practice and how we really need to prepare for whatever comes,” ani Reyes.
-
Sa isang short video na ipinost sa IG: RUFFA, malinaw ang pag-amin at pinagsigawang ‘number 1’ sa puso niya si HERBERT
ANG official na pag-amin ba ni Ruffa Gutierrez sa noon pa nababalitang romantic relationship nila ng isa sa mga tumatakbong Senator ngayon na si Herbert Bautista ay naganap na sa kanyang Instagram account? Comment nga ni Tim Yap, “IG Official na.” Karamihan naman, mga heart emojis ang comment. Si Bianca Manalo ay […]
-
PNP sa mga retired police officials: ‘Wag idamay ang organisasyon sa political agenda
NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda. Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato […]
-
Top 8 MWP ng NPD, nabitag ng Valenzuela police sa Rizal
ISANG construction worker na nakatala bilang top 8 most wanted person sa Norhern Police District (NPD) ang nasilo ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa San Mateo Rizal, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong akusado na […]