• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP sa mga retired police officials: ‘Wag idamay ang organisasyon sa political agenda

NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa ilang retirado nilang opisyal na huwag idamay ang organisasyon sa kanilang political agenda.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ni PNP spokesperson Pol. B/Gen. Roderick Augustus Alba matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may ilang dating police official at organisasyon na nag-eendorso ng mga kandidato sa halalan na gamit ang pangalan ng PNP.

 

 

Binigyang-diin ni Alba, nirerespeto ang mga pananaw ng kanilang mga retiradong opisyal pero walang kinalaman ang PNP sa personal na opinyon sa politika ng mga tao o grupong ito na ipino-post sa social media.

 

 

“With all due courtesies to our retired PNP Officers, we respect your political views and opinions as private individuals. But by all means, please spare the PNP from partisan political activity,” wika ni B/Gen. Alba.

 

 

Giit ni Alba, hindi gawain ng PNP na magpahayag ng suporta para sa sinumang kandidat at nananatiling non-partisan na organisasyon.

 

 

“The PNP maintaines a non-partisan stance and will never endorse any political paty or candidate vying for any elective position,” dagdag pa ni Alba.

 

 

Babala ni Alba, hindi lang ang mga tao na gumagamit sa pangalan ng PNP sa pamomolitika ang hahabulin ng PNP kundi maging ang mga grupong politikal na nagbayad sa kanila para sa pag-endorso.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Lolo tigbak sa mixer truck

    Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]

  • Murray hiling ang katiyakan sa health protocols sa US Open

    Nais ni tennis star Andy Murray na magkaroon ng katiyakan na hindi na sila mahaharap sa mandatory quarantine kapag bumalik na sila sa Europe mula sa paglalaro sa US Open.   Kasunod ito ng pagpatupad ng organizers ng United States Association (USTA) ng striktong bio-security “bubble” para maging maliit lamang ang posibilidad ng pagkakahawa ng […]

  • Susunod na lang ang ina at mga kaibigan: MICHELLE, mag-isang pupunta sa El Salvador para sa ‘2023 Miss Universe’

    ILANG araw na lang at lilipad na si Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee for El Salvador para sa 2023 Miss Universe pageant.       Bibit ni Michelle ang mga dasal na maiuwi niya ang Miss Universe crown para sa bansa.       Ilan sa mga Sparkle artists na nagpadala ng “good […]