• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public servants sa panahon ng kalamidad, community volunteers at medical at essential frontliners, kinilala ni PDU30 ngayong People Power Revolution

KINILALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga public servants na nagbigay ng kanilang tapat at epektibong pamamahala sa local at national levels, sa mga nagsagawa ng rescue at relief operations sa panahon ng kalamidad, community volunteers, at maging ang mga medical at essential frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic ngayong ipinagdiriwang ang 1986 People Power Revolution.

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang mga nabanggit na public servants ang nagsama-sama ng tunay na diwa ng People Power sa pang-araw-araw ng buhay ng bawat isa.

 

 

Kaya dapat lamang ani Pangulo na tularan ang kabayanihan, pagiging hindi makasarili, at pagmamalasakit ng mga public servants habang nagsisikap ang sambayanan na makabawi mula sa kasalukuyang hamon at sumulong patungo sa mas maayos na Pilipinas para sa lahat.

 

 

Aniya pa, 36 na taon na ang nakalilipas nang mangyari ang nasabing kaganapan subalit nananatili pa ring malinaw sa kaisipan ng milyong Filipino na nagtipon sa EDSA ang demokrasyang nabawi ng bansa.

 

 

Ang selebrasyon aniyang ito ay magsisilbi bilang “strong reminder” na sa pagkakaisa, kooperasyon at pananampalataya, walang hindi makakamit ang lahat para sa ikabubuti ng bansa.

 

 

“As we honor the courage and solidarity of those who have come before us and fought to uphold our democracy, let us also honor and thank those who continue to keep alive the legacy of this largely peaceful and non-violent revolution,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Mabuhay ang lahing Pilipino!,” ang pagbati ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Pampublikong transportasyon may 70 porsiento na ang kapasidad ngayon

    Sinimulan noong nakaraang Martes ang pagpapatupad ng 70 porsiento sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.       Sa ilalim ng Memorandum Circular 2021-064 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga pampublikong tranportasyon tulad ng mga public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs) […]

  • P150 milyong COVID-19 test kits nasamsam, Chinese national huli

    NAKUMPISKA ang tinatayang 150 milyong halaga ng mga pekeng COVID-19 antigen test kits, LianHua Chinese medicines, counterfeit face masks, at copyright-infringed branded goods sa isang bodega sa Maynila na pag-aari ng isang Chinese national matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.     Ang operasyon ay kasunod […]

  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOA UPANG MAGTATAG NG SCHOOL PESO DESK

    PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas.     Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]