EDSA @36 hitik sa panawagan vs ‘Marcos return’ sa Malacañang
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
SA DINAMI-RAMI ng mga pagkilos ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., tila ibinubuklod ang karamihan nito sa iisang panawagan — ang pagpigil sa panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo ngayong 2022.
Taong 1986 nang mapaalis sa Malacañang ang dating pangulo matapos ang mga protesta mula ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero, bagay na dumulo sa paglikas ng pamilya Marcos patungong Hawaii sa Estados Unidos.
“Pinatalsik ng mamamayang Pilipino ang pamilyang Marcos upang tapusin ang kanilang paghahari sa ating bayan. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, pagyurak sa demokrasya, at pagnanakaw sa kaban ng yaman ng mga Marcos at kanilang mga kroni,” ayon sa Bayan Muna party-list, Biyernes.
“Hindi na dapat ibalik ang sinuka na ng taumbayan!”
Kasalukuyang kumakandidato sa pagkapangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng dating presidente, habang nangunguna sa mga electoral surveys.
Simula nang ipatupad ng Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1983, matatandaang umabot sa 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay, ayon sa Amnesty International.
Kasalukuyan ding hawak ng nakatatandang Marcos ang titulong “Greatest robbery of a Government” sa Guiness World Records, matapos niya aniya tangayin ang nasa $5-10 bilyong kaban ng bayan. Hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa itong bawiin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Bukod sa mga karaniwang protesta, idinaan naman ng ilan sa performances gaya ng impersonations.
Sa ilang litratong ito, makikita kung paano i-impersonate ng mga komedyante at performance artists na sina Willie Nepomuceno at Mae Paner, na mas kilala sa pangalang “Juana Change,” sina Macoy at dating first lady Imelda Marcos — na nabansagan na noon na naglunsad ng isang conjugal dicatorship.
“Apo Ferdie, bumangon muli [sa hukay] para dumalo sa teach-in kaugnay ng Martial Law at diktadurang Marcos kasama si Imeldific,” wika ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary-general Renato Reyes Jr.
-
Umaasa na bahagi pa rin ng administrasyon: PBBM, may ibang plano kay Tulfo
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatiling bahagi ng kanyang administrasyon si dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo. Tinanong si Pangulong Marcos kung ikukunsidera niya si Tulfo sa presidential adviser’s post. “No, we have other plans for him, not as a presidential adviser,” ayon kay Pangulong Marcos. At nang tanungin kung mananatili pa rin […]
-
CHED, pansamantalang sinuspinde ang scholarship application para sa incoming freshmen
PANSAMANTALANG sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon sa CHED Scholarship Program (CSP) para sa incoming first-year college students para sa Academic Year (AY) 2022-2023. Sa advisory ng CHED na pinost nito sa kanilang social media accounts, ang suspensyon ay “offshoot of budget inadequacy” sa Fiscal Year (SY) 2022 budget ng […]
-
Sinibak na parak, kulong sa pangongotong
Isang parak na sinibak sa serbisyo ang dinampot sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Maritime Police matapos ireklamo ng pangongotong ng pera sa mga delivery truck ng isda sa loob ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Nakasuot pa ng police field service uniform (FEU) si Don De […]