• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino aakyat ng entablado

GAGAWARAN si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng Executive of the Year San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa paggabay sa bansa na makamit ang kaauna-unahang gold medal sa Summer Olympic Games.

 

 

Isa siya sa 33 personalidad na may pagkilala sa Marso 14 na gala night sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

 

 

Makakasama ni Tolentino na makaakatanggap ng award buhat pinakaunang media organization sa bansa sina Ramon S. Ang, Manuel V. Pangilinan, William ‘Butch’ Ramirez, Wilfred Steven Uytengsu, Jr., Victorico Vargas, Jude Echauz, Philip Ella Juico at Wilfrido Marcial.

 

 

Dahil sa mahigpit na alituntunin sa kalusugan, may 50 porsyento lang ng kapasidad ng ballroom ang papayagan. Noong nakaraang taon, ginanap na virtual ang SMC-PSA awards night.

 

 

Nanatiling agila si Tolentino sa paghahanda ng bansa para sa 32nd SOG 2020+1 sa Tokyo, Japan noong Hulyo-Agosto sa loob ng halos dalawang taon dahil sa naantalang paligsahan ng global pandemic noong 2020.

 

 

Sulit ang mahabang paghihintay dahil sa wakas ay nasungkit ng ‘Pinas ang kauna-unahang Olympic gold matapos ang halos isang siglo sa likod ng record-breaking performance ni weightlifter Hidilyn Diaz.

 

 

Pinatamis ng boxing trio nina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial ang pot nang manalo ng isang pares ng pilak at tansong medalya para sa pinaka-produktibong kampanya ng ‘Pinas sa tuwing apat na taon lang na palaro

 

 

Nakita rin sa stint na ang mga potensyal na mananalo ng medalya sa iba pang larangan ang tulad nina gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, pole vaulter Ernest John Obiena, at skateboarder Margielyn Didal.

 

 

Si Tolentino rin ang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling. (REC)

Other News
  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]

  • VP Sara, nagbigay-galang kay dating PM Shinzo Abe

    BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni  Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.     “Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng dating Prime Minister sa Pilipinas ay hinding-hindi natin makakalimutan,” ayon kay VP Sara sa isang Facebook post. […]

  • DOTr: Aviation officials, mananagot sa nangyaring kaguluhan sa NAIA

    NAGBABALA si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na mananagot ang sino man na mga aviation officials sa nangyaring air traffic management system breakdown na siyang naging sanhi nang paghinto ng operasyon ng mga airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang Bagong Taon.     “The DOTr will hold accountable each and […]