Makaka-triangle pa nila si KELVIN: First team-up nina BIANCA at KEN, pinasilip na sa Kapuso televiewers
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
NA–EXCITE ang televiewers sa finale episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, last Friday nang bago natapos ang isang eksena ni Steffy (Barbie Forteza) ay biglang pumasok si Kapuso actress Bianca Umali.
Kinausap si Steffy, samantalang hindi naman siya kasama sa cast, at maya-maya ay sinundan pa siya ni Ken Chan, at inaya si Bianca, pero nanood pa sila ng eksena.
Bagong approach pala iyon sa serye dahil susundan na ito ng panibagong episode, na pagtatambalan nina Bianca at Ken.
Mula pa rin sa GMA Network at Regal Entertainment, from a very serious at dramatic first episode ng “Mano Po Legacy,” isa naman light romantic comedy episode ang isusunod nila, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time pagtatambalan nina Ken at Bianca, kasama sina Kelvin Miranda, Teejay Marquez, mga newbies na sina Sarah Holmes, Tyrone Tan, Sarah Edwards, Haley Dizon, Blue Cailles. Makakasama rin nila sina Pokwang, Marina Benipayo at Ricardo Cepeda.
Magkakaroon na ito ng world premiere this March sa GMA Telebabad, wait na lamang tayo ng official date of airing nila.
***
TONIGHT naman ang world premiere ng first suspense-mystery series ng GMA Network, ang Widows’ Web na isa sa four leading ladies ay si Pauline Mendoza, kasama sina Carmina Villarroel, Vaness del Moral, at Ashley Ortega.
Si Pauline ang super excited sa muling pagsasama nila ni Carmina, na first time niyang nakasama sa Kambal, Karibal na pinagbidahan nila ni Bianca Umali at sinundan ng GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.
“Ang sarap muling makatrabaho ang mahusay na actress na tulad ni Ms. Carmina,” sabi ni Pauline.
“At lalo akong na-excite dahil this is a very different role, my first adult role na gagampanan, then new director, si Direk Jerry Sineneng, at mga new co-actors sa serye.
“At pinaghandaan ko itong mabuti, pinag-aralan ko ang character ni Elaine, mahirap lamang siya, pero mapagmahal, first time kong nakatambal si EA Guzman. Sana po ay nabigyang justice ko ang role ni Elaine.”
***
NAGDALAWANG-ISIP pala si Kapuso actress Vaness del Moral bago tinanggap ang role niya sa Widows’ Web. After ng First Lady.
Bukod sa iba ang character na gagampanan niya, ’yung time na in-offer ang role, katatapos lamang niyang mag-give birth sa first baby nila ng husband niyang si Matt Kier.
First time niyang babalik muli sa trabaho, lock-in pa ang taping nila. Naintindihan naman ni Matt ang concern niya at naunawaan siya, at pinayagan siyang tanggapin ang offer ng GMA.
“Kabadong-kabado ako sa first taping day namin, dahil iba nga ang role na ginagampanan ko as Hillary, who is a very loving person, pero naiiba ang timpla niya kapag kinanti mo ang family niya. Kantiin mo na ang lahat huwag lamang ang husband at ang step-daughter niya,” kuwento pa ni Vaness.
“Pero thankful po ako sa lahat ng mga nakatrabaho ko, kaya hindi ko naramdaman na ilang buwan din akong huminto sa pag-arte.”
Mapapanood ang Widows’ Web after ng First Lady sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP
BUMISITA at kinamusta nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP kung saan nasa 1,038 rehistradong PWDs ang nakatanggap ng P3,000 tulong pinansyal. Nagpasalamat naman ang Tiangco Brother’s kay Pangulong Bongbong Marcos, House Speaker Martin Romualdez at Department of Social Welfare and […]
-
WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL
DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020. Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya. “Next year na […]
-
Warner Enjoys Box-Office Dominance with Back-to-Back Hits ‘The Batman,’ ‘Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore’
“The Batman” shattered records in March. Then, “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” scored a magical $193.4-M over the weekend, worldwide. And just like that, Warner Bros. Pictures is enjoying its best box-office season in years, with no signs of slowing down. While receipts for the latest “Fantastic Beasts” movie are still coming […]