• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez

MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.

 

 

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1.

 

 

“Ie-encourage ‘yung onsite work [under Alert Level 1], ibig sabihin less na yung work from home, magiging optional na yung work from home,” ayon sa Kalhim.

 

 

Sinabi ni Lopez na inaasahan na ang pagpapalakas sa negosyo gaya ng mga tindahan at restaurants habang ang mga tao ay lalabas ng kanilang tahanan.

 

 

“Ang maganda dito kapag pumapasok na uli yung mga tao physically, nabubuhay yung mga restaurants at yung mga tindahan, yung mga stores, kasi nasa labas yung mga tao at wala na sa bahay,” anito.

 

 

Ang National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa ay isinailalim na sa Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15, 2022.

 

 

“Under Alert Level 1, all establishments, persons, or activities are permitted to operate at 100% capacity. Vaccination requirement, however, will stay for indoor activities, ” ayon kay Lopez.

 

 

“Magbubukas ang ekonomiya but less ang restrictions,” ani Lopez.

 

 

Ang mga requirements para sa intrazonal at interzonal travels ay mababawasan na rin.

 

 

“Wala na yung requirement na RT-PCR [test], yung mga PNP clearance. Pero malaking bagay pa rin ‘yung vaccination card,” ayon kay Lopez. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM SAYS GOV’T ‘SLOWLY CONVERTING’ DEPENDENCE ON WATER SUPPLY TO SURFACE WATER

    THE GOVERNMENT has stepped up efforts to convert the country’s dependence on water supply from underground water to surface water, President Ferdinand R. Marcos Jr. said Monday.     The President made the comment in an interview with former Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, stressing the need for different government agencies to make the necessary […]

  • Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

    NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng […]

  • Thirdy tumugon sa PBA

    Sumulat na si Thirdy Ravena sa pamunuan ng PBA upang ipaliwanag ang desisyon nitong muling maglaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League.     Sariwa pa si Ravena sa pagpirma ng multi-year contract kasama ang NeoPhoenix na magiging dahilan upang hindi ito makalahok sa PBA Rookie Draft sa ikalawang sunod na taon.     […]