• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA

MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa  lungsod ng  Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia.

 

 

Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa  Lviv ang 37 Filipino na bumiyahe ng buong araw mula Kyiv.

 

 

Ang mga Filipino ay in- accommodate sa isang hotel sa Lviv.

 

 

Sinabi ni  Ruiz na nakahandang tulungan ng  Philippine Embassy ang mga ito na makaalis ng  Ukraine at makapasok sa Poland upang makasakay ang mga ito pabalik ng Pilipinas.

 

 

“The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA, is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm’s way while there is still time,”ayon kay Ruiz.

 

 

Samantala, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na naghanda na ang Philippine government ng local at international relocation para sa mga OFWs sa Ukraine sa gitna ng sigalot sa Russia. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PUJ drivers napipilitang huminto ng pasada

    MAY MGA  public utility jeepney (PUJ) drivers ang napipiitan huminto ng pasada sa kanilang ruta dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at hindi dahil sila ay nagproprotesta.     Ayon sa 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) na maaaring mahirapan ang ibang pasahero na kumuha ng transportasyon sa mga PUJs dahil nagbabala ang mga […]

  • Bypass project, mapapalakas ang farming industry sa Bulacan

    MAPAPALAKAS  ng  infrastructure projects sa  Bulacan ang pagiging produktibo ng pagsasaka sa lalawigan.     Ito’y matapos na pasinayaan ang  Arterial Road Bypass Project Phase III (ARBP III) Contract Package 4 sa  San Rafael, Bulacan.     Winika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati na binasa ni  Special Assistant to the President Antonio […]

  • Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing

    DAHIL  sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA).     Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay […]