• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task force, bineberipika ang ulat ng nawawalang mga mangingisdang Pinoy sa WPS

IBEBERIPIKA pa munang mabuti ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) chairperson Hermogenes Esperon Jr. ang inihayag ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na may ilang mangingisdang Filipino ang sinasabing nawala sa karagatan.

 

 

“Mag-verify lang ako kasi wala syang sinasabing dates,” ayon kay Esperon, isang National Security Adviser, sa isang panayam.

 

 

At sa tanong kung may natanggap ba siyang report ukol sa bagay na ito, sinabi ni Esperon na hindi siya sigurado lalo pa’t wala namang tiyak na dapat siyang gawin.

 

 

“So ang magagawa ko lang is to check also, I’ll check, as of now, wala sa fingertips ko yan eh ,” ani Esperon.

 

 

Sinabi naman ni Defense Secretary Lorenzana na wala pa siyang natatanggap ng kahit na anumang impormasyon sa insidente.

 

 

“No, I don’t. I’ll check,” ang pahayag ng Kalihim nang hingan ng komento sa usaping ito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Lacson na may ilang mangingisda na ayaw nang bumalik sa WPS dahil ilan sa kanilang mga kasama ang nawawala pa rin hanggang ngayon.

 

 

“Out of the 1,500, may mga bilang doon at hindi natin alam ngayon kasi walang official report, na kaya hindi nakakabalik ay natatakot na sa kanilang buhay kasi yung iba nilang kasamahan ay nabulabog nas a dagat dahil inaatake ng Chinese Coast Guards,” ani Lacson sa kanyang pakikipag-dayalogo sa mga mangingisda at boat operator sa Dalahican Fish Port Complex sa Lucena City.

 

 

Nangako naman si Lacson na uunahin niya ang kapakanan ng mga lokal na mangingisda kaysa sa mga dayuhan na siyang kumukuha ng kabuhayan ng mga Filipino.

 

 

Binanggit ni Lacson na 1,500 mangingisda ang nawalan ng kabuhayan dahil takot nang mangisda sa West Philippine Sea bunga ng pagtaboy sa kanila ng Chinese Coast Guard.

 

 

“Asahan ninyo, kami, ang aming tinitingan lagi ‘yung kakapakan ng nakakaraming Filipino, hindi ang kapakanan ng dayuhan na umaagaw sa ating hanapbuhay,” sabi ni Lacson. (Daris Jose)

Other News
  • Paghubog sa Kinabukasan: Ang Bagong Yugto ng Aboitiz Foundation sa Pag-angat ng Buhay ng mga Pilipino

    Nagsama-sama ang mga miyembro ng Aboitiz Group sa isang masayang pagtitipon upang ipagdiwang ang pagsisimula ng bagong yugto para sa kanilang corporate citizenship arm, ang Aboitiz Foundation Inc. (AFI). Ito ang nagsilbing simula ng panibagong paglalakbay ng Aboitiz Foundation upang hubugin ang kanilang misyon na maging visionary leader sa sustainable development.     Nagsagawa ang […]

  • PNP kumambiyo, ‘hatid sundo’ ng non-APOR sa APOR papayagan na

    Papayagan na rin ang mga non-authorized persons outside of residence (APOR) na maghatid-sundo hindi lang sa Health workers, kundi sa lahat ng essential workers.     Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar matapos na humingi ng guidance sa National Task Force kaugnay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR simula […]

  • Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

    INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.   “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.   “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.   Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]