New Zealand pinakain ng alikabok ang India
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
MADALING iniligpit ng New Zealand ang India, 95-60, para walisin ang labanan sa Group A sa first window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Ipinoste ng mga Kiwis ang 3-0 record matapos talunin ang Gilas Pilipinas, 88-63, noong Linggo habang una nilang pinadapa ang India, 101-46, noong Huwebes.
Isinara ng Nationals ni coach Chot Reyes ang kanilang kampanya bitbit ang 1-1 baraha.
Bumandera para sa Tall Blacks si Tom Vodanovic na may 20 points, 10 rebounds at 4 assists at nag-ambag sina Rob Loe, Dion Prewster at Taylor Britt ng 18, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
Nalasap naman ng India ang kanilang ikatlong sunod na kamalasan, kabilang ang 64-88 pagyukod sa Gilas noong Biyernes.
Sa first period lamang pumalag ang Indians nang makalapit sa 20-24 hanggang dominahin ng Kiwis ang second quarter sa itinayong 52-27abante.
Pinalobo pa ito ng New Zealand sa 66-37 mula sa three-pointer ni Vodanovic sa huling 2:19 minuto ng third canto.
Mula rito ay hindi na nakabangon ang mga Indians.
Bumandera para sa India sina Arvind Kumar Muthu Krishnan at Pranav Prince sa kanilang tig-10 points.
Nagdomina ang mas malalaki at mas malalakas na Kiwis sa rebounding department, 48-29.
-
Ilang players ng Gilas Pilipinas posibleng ‘di makapaglaro dahil sa injury
Nahaharap ngayon sa pagsubok ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia dahil sa pagkakaroon ng injury ni Dwight Ramos. Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na mayroong groin strain injur si Ramos na kaniyang natamo sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. […]
-
PSL beach volleyball dinagsa ng suporta
SANGKATERBA ang mga suporta sa 6th Philippine SuperLiga o PSL Challenge Cup beach volleyball tournament 2020 sa Nobyembre 26-29 sa Subic Freeport. Nabatid ng OD kay PSL chairman Philip Ella Juico, na maayos ang team owners meeting sa nakaraang Lunes at kumpiyansa siyang magiging ligtas at maaksyong torneo sa harap ng Coronavirus Disease o […]
-
Never naisip na papasukin ang pulitika: WALLY, mas enjoy talaga na magpatawa kesa kumanta
MATAGUMPAY ang concert tour nina Wally Bayola at Jose Manalo sa Canada na kung saan tatlong shows ang ginawa nila para sa mga Pilipinong naka-base sa Vancouver, Calgary at Saskatoon. Mainit nga ang pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy roon na nasabik sa Filipino performers matapos mahinto ang mga events dahil sa pandemya […]