PSL beach volleyball dinagsa ng suporta
- Published on October 28, 2020
- by @peoplesbalita
SANGKATERBA ang mga suporta sa 6th Philippine SuperLiga o PSL Challenge Cup beach volleyball tournament 2020 sa Nobyembre 26-29 sa Subic Freeport.
Nabatid ng OD kay PSL chairman Philip Ella Juico, na maayos ang team owners meeting sa nakaraang Lunes at kumpiyansa siyang magiging ligtas at maaksyong torneo sa harap ng Coronavirus Disease o Covid-19.
May go signal na ang PSL sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases kamakailan para maging unang volleyball league na makabalik sa ilalim ng new normal.
Kaugnay nito, bumalangkas ang liga ng isang medical commission na pangungunahan ni Dr. Raul Alcantara para magpatupad ng health at safety protocols katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at IATF.
“We formally presented our program to the team owners last Monday and we got an overwhelming response,” patuloy ni Juico.
Dinugtong pa ng dating tagapangulo ng Philippine Sports Commission o PSC, “All of our teams are very supportive and are confident that we could come up with a competitive tourney without risking the health and safety of players, coaches, league officials, media and other stakeholders.
After all, we have a set of health and safety guidelines that took us five months to develop and was in coordination with our medical commission headed by Dr. Alcantara, the IATF and the DOH (Department of Health),” sambit pa ng opisyal.
Bukod sa PSL teams na Petron, Cignal, Chery Tiggo, F2 Logistics, Generika-Ayala, Sta. Lucia, Marinerang Pilipina at PLDT Home Fibr, nag-anyaya rin ang liga ng iba pang commercial teams para sa three-day tourney.
“We have been getting a lot of feedback from various stakeholders knowing that this could be the last volleyball tournament of the year,” panapos na pahayagni Juico. “We are open to the idea of welcoming teams outside the PSL so we could come up with a competitive and exciting tournament.”
Good luck na lang sa inyo PSL. (REC)
-
PBBM, BIDEN pinalawak ang security, environment protection, trade ties; pinagtibay ang commitment sa international law
PINAGTIBAY nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joseph Biden ang serye ng “partnerships” na naglalayon na palakasin ang alyansa ng Maynila at Washington. Sa isang joint statement, kapuwa pinuri nina Pangulong Marcos at Biden ang “remarkable ties of friendship, community, and shared sacrifice that serve as the foundation of the U.S.-Philippines alliance.” […]
-
‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na
Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple. “Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na […]
-
Ads March 25, 2023