• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 45) Story by Geraldine Monzon

TATALIKURAN sana ni Bernard ang babae ngunit bigla siya nitong niyakap mula sa likuran.

 

“Bernard please!”

 

Sa aktong iyon bumungad sa pintuan ng opisina si Angela.

 

“Bernard…”

 

Sabay na napalingon kay Angela ang dalawa. Mabilis na inalis ni Bernard ang mga kamay ni Regine na nakayakap sa kanya.

 

“Angela, sweetheart!” hindi maiwasan ni Bernard ang mamutla.

 

Habang si Regine ay nakaisip agad ng sasabihin.

 

“Angela, I’m sorry kung nakita mong nakayakap ako kay Bernard, nagmamakaawa kasi ako sa kanya na huwag akong paalisin sa trabaho, nagkataon kasi na nagtatanggalan ngayon at inuna sa listahan ng mga matatanggal ang mga huling nakapasok.” Pagkasabi niyon ay nilapitan ni Regine si Angela at hinawakan ang mga kamay nito. “ Please Angela, alam nyo naman na kailangang kailangan ko ang trabahong ito, help me to stay here please!” sabay yakap din niya rito.

 

Inalis ni Angela ng pagkakayakap sa kanya ni Regine.

 

“Regine, hindi ko alam kung paano kita matutulungan…pwede bang mag-usap muna kami ng asawa ko?”

 

“Sure, sige lalabas na muna ko.”

 

Nang makalabas na ito ay agad nilapitan ni Bernard si Angela.

 

“Sweetheart, kanina pa ako kinukulit ni Regine, tinalikuran ko na nga siya, pero …” umaasa si Bernard na walang narinig si Angela sa mga napag-usapan nila ng babae.

 

“Totoo bang magtatanggalan?”

 

“Actually napag-usapan na ‘yon sa meeting kaya sinabihan ko na si Regine para hindi na siya mabigla. Pero may chance pa naman na hindi matuloy kung makukuha namin yung target client this week.”

 

“Gano’n ba…”

 

Kinuha ni Bernard ang kamay ng asawa.

 

“Sweetheart, huwag mo sanang bigyan ng kahulugan ang nakita mo. Alam mo naman ang mga kilos ni Regine, dati pa siyang gano’n diba?”

 

“Buo ang tiwala ko sa’yo Bernard. Alam kong hindi mo sisirain ‘yon.” mariin at makahulugan ang sinabing iyon ni Angela.

 

Isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Bernard.

 

“Ano nga palang ginagawa mo rito, diba ako dapat ang susundo sa’yo sa restaurant?”

 

“May binili lang kasi akong malapit dito sa office mo kaya dumaan na rin ako.”

 

“Okay, tatapusin ko lang itong ginagawa ko, upo ka muna.”

 

Habang pinagmamasdan si Bernard ay naiisip ni Angela ang tagpong nadatnan niya. Pilit man niyang iwaksi sa isip ang pagdududa ay parang anay naman itong nagsusumiksik sa puso niya. Sana lang ay mali ang hinala niyang sine-seduce muli ni Regine ang kanyang asawa.

 

Sa isang bar naglagi si Jeff kasama ang isang kaibigan na may-ari nito.

 

“O ano ‘dre ,nakahanap ka na ba ng katapat?” pang-aasar ni Brye nang sabihin niya rito ang tungkol kay Andrea.

 

“Sabihin na nating oo, pero sa akin pa rin ang bagsak niya!”

 

“Talaga ba? Paano kung mahulog ang loob niya ro’n sa pinsan mo, lalo pa at staff pala sa resto nila ‘yung gagong ‘yon?”

 

“Kahit magsumiksik pa siya kay Andrea hinding hindi mahuhulog ang loob nito sa kanya.”

 

“Weh? Paano ka naman nakasiguro?”

 

“Sisiguraduhin ko…” sabay tungga ni Jeff sa hawak na baso ng alak.

 

Naguguluhang napailing na lang si Brye.

 

“Cheers for Andrea!” anito na tinugunan naman ni Jeff. “And for Jared!” dugtong pa ni Brye.

 

“Lukoluko!” sabay pabirong batok ni Jeff sa kaibigan.

 

Nag-alala si Bela nang malaman mula kay Manang Sonya na hindi umuwi si Jeff sa kanila.

 

“Haist…saan na naman kaya nagsuot ang mokong na ‘yon…baka naghanap na naman ng babae na magco-comfort sa kanya…” inis na naisaloob ni Bela habang nakaupo sa terrace.

 

Gusto niya sanang i-dial ang number nito para tanungin pero nagdalawang isip siya.

 

“Kapag tinawagan ko siya, iisipin niya na nag-aalala ako sa kanya…kapag naisip niya ‘yon siguradong iisipin na rin niya na may gusto talaga ko sa kanya…”

 

Pero hindi talaga siya mapakali. Dapat sanay na siya sa ganoong istilo ni Jeff dahil noon pa man ay lulubog lilitaw na lang ito sa bahay at kung minsan ay may karay pang babae pag-uwi. Iniiyakan man niya ito noong kasambahay pa siya at isinusumbong sa kaibigang si Janine, after no’n okay na siya. Pero bakit ngayon parang nahihirapan siyang tanggapin na ganoong klaseng lalaki talaga ito? Maangas,tamad at babaero pa. Bakit ba kasi ito pa ang nagustuhan ng puso niya?

 

Dahil wala pa ang mga magulang, naisipan ni Bela na magluto ng meriendang sopas para kay Lola Corazon.

 

“Sigurado marami na naman kaming mapapagkuwentuhan ni Lola Corazon kaya tamang tama itong mainit na sopas habang nagtsitsikahan kami.”

 

Nang matapos magluto ay dinala nan i Bela ang sopas na may kasamang mainit na monay sa kuwarto ng matanda.

 

“Lola, time for tsika na ulit tayo with my special sopas pa!”

 

Inilapag ni Bela ang tasa ng mainit na sopas sa table na nasa kuwarto ng matanda. Sinulyapan niya ito.

 

“Aba at mukhang napasarap ang tulog ni lola ah.”

 

Naupo si Bela sa gilid ng kama nito. Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan, hinawakan niya ito sa kamay.

 

“L-lola…Lola Corazon?”

 

Sinalat niya ang leeg at pulso nito.

 

“Lola?”

 

Niyugyog ni Bela ang lola niya.

 

“Lola! Lola!”

 

Ngunit wala ng tugon mula sa matanda. Nanatili itong nakapikit.

 

“Lola Corazon!” sabay yakap ng dalaga rito.

 

“Lola, huwag ka munang umalis, marami pa tayong pag-uusapan diba?” umiiyak na sabi ni Bela.

 

Habang sakay ng kotse pauwi ay pinag-uusapan nina Bernard at Angela ang tungkol sa big client na hinihintay ng kumpanya nila Bernard na mapa-oo para maisalba ang kumpanya. Totoo namang nalulugi na ito.

 

“Ako ang nautusan na makipag-meet sa client. Kapag nai-close ko ang deal sa kanya, sigurado na ang promosyon ko.”

 

“Talaga sweetheart? Goodluck, alam ko naman na kayang kaya mo ‘yan.”

 

“By the way sweetheart, about kay Regine, kung sakali na maisalba ang kumpanya, hindi na matutuluyan na matanggal siya diba?” tanong ni Angela sa nasabi kanina ni Bernard.

 

“Hindi na.”

 

Huminga ng malalim si Angela. Deep inside kasi ay parang hindi na siya komportable na kasama ito ni Bernard sa trabaho.

 

Samantala.

Naiinip na ang client na makaharap si Bernard.

 

“Bernard Cabrera…see you soon…” sa isip nito habang nakaupo sa swivel chair.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • COVID-19 wala na sa ‘Top 10 causes of death’ sa Pilipinas; DOH nagalak

    WALA  na ang COVID-19 sa listahan ng 10 pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2022, bagay na patunay raw na “kaonti na lang” ang nasasawi rito sa bansa, sabi ng Department of Health (DOH). Ito ang tugon ng Kagawaran ng Kalusugan, Miyerkules, sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pang-11 na lang […]

  • Wish ni Duterte sa kanyang 77th b-day: ‘To have a clean, fair, honest election’

    MAY KINALAMAN  sa darating na May 9, 2022 elections ang wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang 77th birthday bukas, March 28.     Ito ay ang hangarin na magkaroon ng malinis at patas na halalan sa Mayo ayon sa Malacanang.     Dagdag ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, magiging simple at tahimik na […]

  • JENNICA, tinatarayan ang mga bashers na nag-iisip na gumigimik lang sila ALWYN

    ANG haba ng paliwanag ni Jennica Garcia sa kanyang Instagram account dahil sa isa o dalawang netizens na kinontra ang post niya.     Nag-post kasi si Jennica na tipong isinama siya ng tropa niya, pero parang sa couple’s trip daw pala at siya lang ang walang lovelife.     Madali naman talagang mai-imply ng […]