• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paliwanag ng South Korea ibinasura ng FIBA

IBINASURA ng International Basketball Federation (FIBA) ang apela ng South Korea sa pagliban nito sa FIBA World Cup Qualifiers noong Pebrero sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Ayon sa isang ulat na lumabas sa South Korea, isinumite ng Korea Basketball Association (KBA) ang lahat ng dokumento upang ipaliwanag ang kanilang naging sitwasyon.

 

 

Kasama sa ipinadala ang resulta ng mga players na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) na siyang pangunahing dahilan para kanselahin na lamang ng KBA ang partisipasyon nito sa qualifiers.

 

 

“The association has made an effort to prevent this. We even cited ‘force majeure’ and sent an official letter. Too many pla­yers from the national team have been diagnosed with the virus, and there was another confirmed case after leaving the country,” ayon sa ulat.

 

 

Humihiling ang KBA na ireschedule ang mga laro ng South Korea dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

 

 

Subalit ayon sa paha­yag ng isang KBA official na tumangging ilabas ang kanyang pangalan, ibinasura ng FIBA ang kanilang paliwanag.

 

 

“We submitted a lot of data, such as PCR test results, and suggested scheduling adjustments. However, FIBA ??took the position that they understood Korea’s position, but rejected it according to the rules of the tournament,” ayon pa sa ulat.

 

 

Dahil dito, mananatiling forfeited ang mga laro ng South Korea sa katatapos na qualifiers kabilang ang dalawang laro nito laban sa Gilas Pilipinas at tig-isang laro kontra sa India at New Zealand.

 

 

Bumagsak agad sa 0-4 rekord ang South Korea kung saan mas lalong lumiit ang tsansa nitong makapasok sa 2023 FIBA World Cup at 2024 Paris Olympics.

 

 

Nanindigan naman ang KBA na tama ang naging desisyon nito.

 

 

Wala pang pormal na statement na inilalabas ang FIBA.

Other News
  • Unlock exclusive HBO GO’s ‘Wonka’ goodies and more with Globe At Home’s upgrade offer

    INSPIRED by the success of the film “Wonka,” which captivated global audiences when it was released in December, Globe At Home is offering its postpaid subscribers a complimentary viewing experience via HBO GO and special goodies when they upgrade their plans online at http://glbe.co/GAHPlanUpgradeForm.     Starting March 8, customers who upgrade to GFiber Plan 2699 […]

  • Mahigit 10-M Ukrainians nakaalis na sa kanilang bansa simula nang lusubin ng Russia ang Ukraine

    NASA mahigit 10 milyon na mga Ukrainians na ang iniwan ang kani-kanilang mga tahanan para umalis sa bansa simula nang lusubin ito ng Russia.     Ayon kay UN Humanitarian Affairs Deputy Emergency Coordinator Joyce Msuya, mahigit sa kalahati ng populasyong ito ay pawang mga kabataan.     Aabot sa 6.5 milyon sa mga ito […]

  • Senior citizens, stay home muna hangga’t hindi pa nababakunahan ang 70% ng populasyon

    BINIGYANG LINAW ng Malakanyang na hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens lalo na’t kung “fully vaccinated” na ang mga ito laban sa covid 19 na lumabas ng kanilang tahanan.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede aniyang lumabas ang mga senior citizens para bumili ng kanilang kinakailangan.   At kung kinakailangan aniya na […]