DAHIL SA SELOS, LALAKI, KINATAY ANG LIVE-IN PARTNER
- Published on March 5, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL sa selos at pagtangging muling magkabalikan, pinatay ang isang 31-anyos na dalaga habang inoobserbahan ang kasama nito sa bahay nang pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner saka rin ito nagsaksak sa sarili sa Imus City, Cavite Huwebes ng hapon,
Kinilala ang biktima na si Janna Harodin Jama ng Ramirez Compound Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite na namatay sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng saksak sa katawan habang kritikal naman ang kasamahan niya sa compound na si Jovelyn Grama Lucero, nasa wastong edad.
Ginagamot naman sa ospital ang suspek na si Roger Sta Ana Pahayahay, 54, isang welder ng B6 Lt 47 Kasiglahan Village San Jose, Rodriguez, Rizal matapos na nagsaksak sa sarili.
Sa ulat ni PSMSgt Luis Divina ng Imus City Police Station, als-2:40 ng hapon nang pinuntahan ng suspek ang biktima na dati nitong live-in partner sa kanyang bahay sa Ramirez compound, Buhay na Tubig, Imus City, Cavite at sinsuyo na magkabalikan ulit silla subalit tumanggi na sumama ulit ang biktima sa kanya dahilan upang pagsasaksin ni Pahayahay si Jana.
Nauna pa man dito, habang nagtatalo ang dating mag-live in ay tinangka ni Jovelyn na mamagitan sa kanilang pag-aaway subalit maging siya man ay pinagsasaksak din ng suspek.
Nang nakitang kapwa duguan at nakahandusay ang dalawa, tinangka naman ang suspek na magsaksak sa sarili.
Namatay noon din si Janna habang isinugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center si Jovelyn habang sa Ospital ng Imus isinugod ang suspek.
Ayon kay Divina, sinusundo ng suspek ang dati nitong live-in partner at muli silang magsama subalit tumanggi ang biktima.
Nabatid pa na tatlong taon din na nagsama ang biktima at suspek at may isa silang anak subalit naghiwalay sila dahil nananakit umano ang suspek. May kinakasama na rin ang biktima. (GENE ADSUARA )
-
PNP: Back-riding posibleng ibalik para sa lahat ng motorista
Posibleng ibalik muli ang back-riding para sa lahat ng motorista ng motorcycles at hindi na lamang para sa mga mag-asawa at live-in couples habang ang Philippine National Police (PNP) ay humihingi ng pasensiya sa mga ibang motorcycle riders. Ayon kay PNP deputy chief ng operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar na simula lamang ito ng […]
-
Pagdiriwang ng Eid’l Adha sa Sabado, Hulyo 9, regular holiday
OPISYAL na idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa ang araw ng Sabado, Hulyo 9, 2022 bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice). Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam. Sa bisa ng Republic Act No. 9849, ang tenth day […]
-
Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF
NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit. Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling […]