• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP: Back-riding posibleng ibalik para sa lahat ng motorista

Posibleng ibalik muli ang back-riding para sa lahat ng motorista ng motorcycles at hindi na lamang para sa mga mag-asawa at live-in couples habang ang Philippine National Police (PNP) ay humihingi ng pasensiya sa mga ibang motorcycle riders.

 

Ayon kay PNP deputy chief ng operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar na simula lamang ito ng pagpapatupad na payagan ang mag-asawa at live-in couples na magkasamang sumakay sa motorcycles.

 

“Initially partners first, then families, and eventually it will be for all,” wika ni Eleazar.

 

Pinayagan ng pamahalaan ang paggamit ng mag-asawa at live-in couples na sumakay sa motorcycles subalit kinakailangan na mayroon plastic barriers sa pagitan nila upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

 

Maliban sa mag-asawa at live-in partners, pinapayagan din ang mga hanay ng lesbian, gay, bisexual, at transgender kung sila ay nagsasama sa iisang tahanan.

 

“The government is just being careful with their actions not allowing all motorcycle owners to have back-riders that could increase the number of COVID-19 infections,” dagdag ni Eleazar.

 

Ayon pa rin kay Eleazar na maaaring mag take advantage ang iba kung lahat ay sabay-sabay na papayagan na tumakbo sa lansangan.

 

Maliban sa body shields na pinayagan ng IATF na gamitin, dapat ay gagamit din ang mga riders ng face masks at helmets.

 

Pinaalalahanan din ni Eleazar na magdala ang mga back-riders na mag-asawa at live-in couples ng kanilang mga identification cards at iba pang dokumento para mapatunayan na sila ay talagang lehitimong mag-asawa at live-in partners na magkasama sa isang bahay.

 

Habang binalaan din ni Eleazar na ang mahuhuling lumalabag sa batas at hindi sumusunod sa mga healthy protocols ay kinakailangan magbayad ng karampatang multa.

 

Samantala, tinuligsa naman ni Senator Ralph Recto ang paggamit ng barrier para sa back-riding couples na ayon sa kanya ang paraan na ito ay hindi nakakasiguro na mabibigyan ng protection laban sa COVID-19 virus ang back-riders.

 

“What’s the use of barrier when couples hold hands in going to the motorcycle and kiss each other goodbye after the ride?”

 

Ayon sa kanya dapat sana ay nagkaroon muna ng scientific na pag-aaral ang pamahalaan bago ipinatupad ang nasabing policy.  (LASACMAR)

Other News
  • 84% ng eligible population sa NCR, fully vaccinated na sa susunod na buwan

    TINATAYANG 84% ng eligible population sa National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging fully vaccinated laban sa Covid-19 sa buwan ng Nobyembre.   Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 75.57% ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated at inaasahan na aabot ng 84% sa susunod na buwan. […]

  • Northern District Highway Patrol Team NAGSAGAWA ng Operation “Camp Lockdown”

    NAGSAGAWA ang mga tauhan ng Northern District Highway Patrol Team – Highway Patrol Group (NDHPT-HPG) sa pangunguna ni P/Cpt. Jun Cornelio Estrellan, hepe ng NDHPT-HPG at IMEG ng joint operation “Camp Lockdown” sa Samson Road kung saan isa-isa nilang pinapara ang mga saksakyan at mga motorsilong papasok ng Caloocan Police Headquarters upang alamin kung kumpleto […]

  • Sobrang nakaka-excite ang muli nilang pagsasama: VILMA at CARLO, parang mag-ate lang ayon sa mga netizens

    NAGING usap-usapan ang social media post nina Carlo Aquino at Vilma Santos-Recto, na lumabas na mag-ina sa iconic movie na “Bata, Bata…Paano ka Ginawa?” na isinulat ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño.     Sa naturang pelikula binitawan ni Ojie (Carlo), anak ni Lea Bustamante (Vilma), ang iconic lines na, “Akala mo lang […]