• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mukhang nalalapit na ang engagement proposal: ARJO, looking forward na i-celebrate ang mga susunod pang birthday ni MAINE

MULING ipinakita at ipinagmalaki ni Arjo Atayde ang pagmamahal sa kanyang girlfriend na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng 27th birthday last Thursday, March 3.

 

 

Sa IG post ng award-winning actor ng kanilang photo ng Phenomenal Star, nilagyan niya ito ng sweet caption: “Mahal na mahal kita… looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.”

 

 

Nag-comment naman si Maine ng, “Thank you!!! Love youuu.”

 

 

Matatandaan na last year, nag-post din si Arjo ng sweet birthday message sa IG account niya na, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.”

 

 

Mas matindi ngayon ang mensahe na nais iparating ngayon ng aktor, at marami tuloy ang nag-iisip na mukhang malapit na ngang mag-propose si Arjo kay Maine, na three years nang magka-relasyon.

 

 

Nag-celebrate nga sila last December 21, 2021 na kanilang third anniversary.

 

 

Una nilang inamin noong January 2019 na “exclusively dating” na sila at after ng eleven months ay naging couple at binati ang isa’t-isa sa kanilang first anniversary.

 

 

Inamin din Arjo sa isa niyang interview, nakikita raw niya ang sarili na spending the rest of his life with Maine.

 

 

Pinusuan ng celebrity friends nila at netizens ang IG post na ito ni Arjo na hinintay talaga bago sila matulog. Kitang-kita na maraming kinikilig at umaasang sila na sana ‘til forever.

 

 

Isa nga sa unang nag-comment at bumati ng happy birthday kay Maine ang premyadong aktres at mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez, at say niya na, “Stay happy and inlove.”

 

 

Comment ng netizens:

“Yun oh! Eto na ang pinakahihintay ng marami. Ang tamis.”

“Kailan po bs yun kasal??!!”

“Mukhang engagement proposal na soon.”

“Sana sila na nga forever.”

“Parang nagiging magkamukha na sila. Feeling ko malapit na makasal.”

“Mukhang may forever sila.”

“Parang nangangamoy proposal na soon! Happy for them.”

“Bagay na bagay sila.”

“Go ARMAINE kaht marami na naman ang magagalit…”

 

 

Well, abang-abang na lang tayo sa next chapter ng relasyon Arjo at Maine.

 

 

Na kahit pilit na hinahadlangan sa unang taon pa lang nila at ayaw talagang paniwalaan, heto at nasa ikatlong taon na nga sila at patuloy na tumitibay at hindi na mapaghihiwalay.

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • HORROR HIT “INSIDIOUS: THE RED DOOR” TO HOLD MORE MIDNIGHT SCREENINGS THIS WEEKEND

    WHEN is the most terrifyingly good time to watch a horror movie? At midnight… in an empty mall… with friends! Due to popular demand, Insidious: The Red Door will hold midnight screenings this weekend, July 15 and 16, on even more screens than on the film’s opening day and opening weekend. As more and more […]

  • Construction ng Quezon Memorial Station ng MRT 7, station tuloy na

    INALIS na ng lungsod ng Quezon City ang suspension order nito na nagpahinto sa construction ng Quezon Memorial Station ng Metro Rail Transit Line 7.   Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na inalis na niya ang cease at desist order na kanilang binigay noong Pebrero 18 matapos na magbigay ang contractors ng isang revised na […]

  • ‘Doctor Strange 2’ Poster Confirms Appearance of Marvel Zombies & Captain Carter

    MARVEL unveils the Doctor Strange in the Multiverse of Madness poster confirming live-action zombies and Captain Carter will appear in the film.     The upcoming Marvel Cinematic Universe sequel takes place after the events of Spider-Man: No Way Home, WandaVision and Loki season 1 in which the titular sorcerer is continuing his research into the Time Stone and when the doors to […]