CERTIFIED Kapuso na ang The Clash Season 4 grand winner na si Mariane Osabel at ang runner-up na si Vilmark Viray.
Pumirma sila ng exclusive contract with GMA Music at ready na silang simulan ang kanilang journey sa kanilang career bilang mga professional singers.
Parehong mahilig sumali sa mga singing contest noon sina Mariane at Vilmark. Kaya katuparan ng kanilang pangarap ang mabigyan ng big break.
Kuwento ni Mariane, minsan na raw siyang na-trauma sa pagsali sa singing contest. Sobra raw niyang dinamdam ang pagkatalo niya noon kaya dumating na raw sa punto na ayaw na niyang sumali sa anumang contest.
Hanggang sa sinubukan niya ulit ang sumali at nataon na sa The Clash siya matatanggahal na champion.
“Pangarap ko po talaga ang maging singer. Kahit na may trabaho na ako noon sa Iligan, pakiramdam ko na hindi ako para roon. I was singing since I was 2-years old, ito po talaga ang gusto ko at ngayon natupad na po,” ngiti pa niya.
Si Vilmark naman ay isang licensed engineer sa Pampanga. Minsan daw ay pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaibigan sa pagsali sa mga singing contest. Hindi raw siya nawalan ng pag-asa na balang-araw ay may maniniwala sa kanyang hilig sa pagkanta.
“Tinatanggap ko na lang yung mga hindi magagandang sinasabi nila akin kapag sumasali ako ng contest. Ito kasi ang gustong gawin talaga. Noong magkaroon ako ng chance na makabalik sa ‘The Clash’ after akong ma-eliminate, mas ginalingan ko pa dahil mahal ko ang pagkanta,” diin pa ni Vilmark.
***
HINDI akalain ng Kapuso direktor na si Jorron Lee Monroy na magiging direktor siya ng mga teleserye dahil galing daw siya sa pagiging writer ng isang children’s show at musical variety show.
Unti-unti raw siyang nagkaroon ng interes sa paggawa ng teleserye kaya nagsimula siya bilang second unit director para sa drama anthology na Magpakailaman, Juan Happy Love Story, Sinungaling Mong Puso, Meant To Be, Kambal Karibal at Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
Nabigyan siya ng break sa as full-time teleserye ng Usapang Real Love, Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Ang Dalawang Ikaw at I Can See You: Truly, Madly, Deadly.
Biggest teleserye niya ang Artikulo 247 dahil inabot daw ng almost eight months bago matapos ang kanilang taping. Pero kahit na dumaan sa maraming aberya at delay ang lahat, sulit naman daw dahil mahuhusay ang kanyang mga bida na sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Mark Herras at Benjamin Alves.
“Ilang beses kaming natigil mag-taping because of the weather, nagkaroon pa ng surge ng COVID-19, may mga nagkasakit sa production, ang dami talagang pagsubok.
“But it was all worth it because we made a very good series at hanga ako sa dedication ng mga nakatrabaho kong mga artista. Hindi madali yung mag-lock-in taping for such a long time. But we all get good results lkaya heto at maipapalabas na,” sey ni Direk Jorron.
Bukod sa pagiging in-house director niya sa GMA, isa rin siyang CEO and Creative Director ng Blackhouse Multi-Media Production at creative director din siya ng livestreaming app na KUMU.
***
PUMANAW ang kapatid na lalake ng Glee star na si Darren Criss.
Ayon sa Filipino-Irish singer-actor, nakipaglaban ang kanyang kapatid na si Chuck Criss sa severe depression na nauwi sa suicide.
Pagkaka-describe pa ng Emmy Award winner kay sa kanyang kapatid ay: “vibrant, special, worldly, hilarious, insightful, gifted, intelligent, celebrated and adored. He was a good man with a good heart who contributed enormous amounts of laughter, music and joy to the world. It’s marvelous to know that those memories are plentiful, everlasting and can never be taken away.”
May naiwang tatlong anak ang kanyang kapatid, na ayon kay Darren ay sobrang mahal ni Chuck.
“It is important to emphasize just how much he really loved his children – his youngest from his partner, as well as his two older children from his former marriage. His world revolved around them, and he loved being their father. He shared with them his own joy, good humor, and song, and they adored him for it,” post ni Darren sa kanyang tribute sa Instagram.
(RUEL MENDOZA)