P10 BILLION KAILANGANG GAMITIN NG DSWD -MALAKANYANG
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na dapat gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang natitirang P10 billion sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na sambahayan at vulnerable sectors.
“Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga ay ibigay pa ‘yan doon sa mga pamilya na hindi pa nakakatanggap ng second tranche,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, hindi lang mga senador ang nagulat sa report ng DSWD na may P10 bilyon pa itong natitira mula sa pondo para sa Social Amelioration Program (SAP).
Sa budget hearing ng Senado, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na nagulat din sya sa ulat ng DSWD kaya pag-uusapan nila ito sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng economic managers ng administrasyon.
Sa hearing, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sana ay napakikinabangan ang naka-tenggang pera ng DSWD.
Aniya, ang di paggamit ng ganito kalaking halaga ay salungat sa patakaran ng gobyerno na maglabas ng maglabas ng pondo ngayong may pandemya para masindihan ang ekonomiya.
Idiniin naman ni Dominguez na ang di nagalaw na P10 bilyon ay bahagi lamang ng bilyun- bilyong halaga ng naipamigay nang ayuda ng gobyerno para sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Tinukoy ng kalihim ang P200 bilyon para sa SAP at P40 bilyon na ayuda na idinaan sa Social Security System (SSS) at Bureau of Internal Revenue (BIR). (Daris Jose)
-
Ads January 19, 2024
-
SEE A GRUMPY TOM HANKS IN THE OFFICIAL TRAILER OF “A MAN CALLED OTTO”
Discover what can happen when you let life in. See Tom Hanks as Otto in the official trailer of Columbia Pictures’ heartwarming comedy/drama A Man Called Otto, in Philippine cinemas 2023. YouTube: https://youtu.be/tCsSuaVsMIw About A Man Called Otto Based on the comical and moving # 1 New York Times bestseller, A Man Called Otto tells the story of Otto Anderson (Tom Hanks), a […]
-
Higit 70K lata ng sardinas ipinamahagi sa Valenzuelanos ngayong Pasko
Ipamamahagi sa mga pamilyang Valenzuelano ang higit 70K ng sardinas na ginamit sa Mega Christmas tree ng Mega Global Corporation na kinilalang Tallest Tin Can Structure ng Guinness World Records kamakailan. Ang mga nasabing pamilya ay mapapabilang sa mga benepisyaryo ng corporate social responsibility (CSR) project ng Mega Global Corporation na naglalayong mapakain ang […]