Higit 70K lata ng sardinas ipinamahagi sa Valenzuelanos ngayong Pasko
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
Ipamamahagi sa mga pamilyang Valenzuelano ang higit 70K ng sardinas na ginamit sa Mega Christmas tree ng Mega Global Corporation na kinilalang Tallest Tin Can Structure ng Guinness World Records kamakailan.
Ang mga nasabing pamilya ay mapapabilang sa mga benepisyaryo ng corporate social responsibility (CSR) project ng Mega Global Corporation na naglalayong mapakain ang 100,000 pamilya sa buong bansa hangggang sa pagtatapos ng of 2020.
Sa ilalim ng nasabing proyekto, ang mga pamilyang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 pandemic ang bibiyayaan ng Mega Sardines products.
Ang mga nasabing ipamamahaging regalo ay manggagaling sa 5.905-metro o higit 19 talampakang “Chrristmas tree” na itinayo sa Mega Global Distribution Center sa Barangay Viente Reales, ng lungsod na gawa sa 70,638 pula at berdeng lata ng Mega Sardines na sinimulang buuin noong Nobyembre 18 at natapos eksakto para sa National Sardines Day noong Nobyembre 24.
Inilunsad din sa nasabing araw ang “Mega Bigay Sustansya sa Pasko” . Binalak ng Mega Global Corporation na magbigay ng mainit na pagkain sa mga pamilyang apektado ng COVID outbreak ngunit nagbago ang plano para matulungan din ang mga pamilyang tinamaan naman ng magkakasunod na mga bagyo.
Kaugnay nito, pinuri ni Mayor Rex Gatchalian ang Mega Global Corporation. “Proud ang Valenzuela City sa Mega Sardines at mas proud kami na maging partner ng Mega Sardines, para makatulong sa ating mga kapwa Valenzuelano,” aniya.
Ipagkakaloob ang mga sardines products sa Pamahalaang Lungsod sa Disyembre 20, 2020. (Richard Mesa)
-
Promo lang pala ‘yun ng bagong endorsement… RAYVER, ‘di totoong nag-propose na kay JULIE ANNE dahil sa regalong ring
NAG-TRENDING sa Twitter ang #MCIHulingHalik na eksena sa GMA Network historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra,” na muling pagkikita nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), na pumasok na ang story sa second book na isinulat ni Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.” Napigilan ang tangkang pagmolestiya […]
-
Bryan Bagunas KAMPEON sa Taiwan Top League
Nagpakitang-gilas ang Filipino import na si Bryan Bagunas para pangunahan ang Win Streak sa titulo sa 2023 Top League sa Taiwan noong Lunes sa National Taiwan University Sports Center. Bumagsak si Bagunas ng halimaw na performance, nagtapos na may 42 puntos na binuo sa napakaraming 39 na pag-atake kasabay ng dalawang block at isang […]
-
House-to-house vaccination ng pamahalaan, tuloy pa rin pero para lamang sa mga bedridden -Usec. Malaya
TULUY-TULOY pa rin ang house-to-house vaccination ng pamahalaan subalit para lamang sa mga bedridden. Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing na ang lahat ng Local Government Units (LGUS) sa Kalakhang Maynila at karatig-lugar ay gumagawa ng house-to-house vaccination. “Para lamang po iyan sa mga bedridden na hindi makalabas […]