• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Facility quarantine sa asymptomatic, mild COVID cases mandatory na – IATF

INOOBLIGA na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic at mild ang sintomas na ma-quarantine sa mga pasilidad na aprubado ng gobyerno.

 

Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, nakapaloob ito sa IATF Resolution No. 74 kung saan nakasaad na mandatoy sa asymptomatic at mild cases ang facility-vase quarantine maliban sa mga pasyenteng itinuturing vul- nerable o may comorbidities o maaaring komplikasyon.

 

Ayon kay Sec. Roque, may ex- ception din kung ang mga Ligtas COVID-19 Centers sa isang rehiyon ay okupado na at walang sapat na isolation facilities ang local government unit (LGU).

 

“We likewise notify the public that facility-based isolation shall be required for confirmed asymptomatic and mild COVID- 19 cases, except where, as confirmed by the local health officer, the patient is considered vulnerable or having comorbidities and that his/her home meets the conditions specified in the Department of Health and the Department of the Interior and Local Government Joint Administrative Order 2020-0001,” ani Sec. Roque. (Ara Romero)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 49) Story by Geraldine Monzon

    KAHIT nagseselos kay Jeff ay nagagawa ni Jared na kontrolin ang sarili. Habang si Jeff naman ay hindi maitago ang nararamdaman ng puso kaya ipinapakita talaga niya ang inis sa pinsan niyang iniisip niyang kaagaw kay Andrea.   Hanggang sa napuno na rin si Jared sa kaangasan ni Jeff at hindi na napigilan ang pag-igkas […]

  • PDu30, nagtalaga ng dalawang bagong CHEd Commissioners

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong komisyonado ng Commission on Higher Education (CHEd).     Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang papalitan naman ni Canapi si Lilian de las Llagas, kung saan ang termino ay nagtapos noong sa Hulyo 21, 2021.   […]

  • See you in Tokyo!’—Didal

    Kinumpirma kahapon ng world skateboarding federation ang paglahok ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na buwan.     “I don’t know what to say but GRAZIE MILLE,” sabi ni Didal, kasalukuyang nasa Rome, Italy, sa kanyang Facebook post. “See you in Tokyo.”     […]