• November 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Monster’ game ni LeBron na may 56-pts nagdala sa panalo ng Lakers vs Warriors

PATULOY  pa rin sa kanyang pagbasag sa NBA record books ang 37-anyos na si LeBron James matapos na pangunahan ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Golden State Warriors, 124-116.

 

 

Nagbuhos ai James ng season high na 56 big points mula sa 19-of-31 shooting, kasama na ang anim na three-pointers, at liban pa sa 10 rebounds, three assists at one block sa all-around game.

 

 

Natuldukan na rin ng Lakers ang apat na sunod-sunod na talo habang nasa three game losing streak naman ang karibal na Warriors bago ang laro.

 

 

Namemeligro ngayon ang Lakers na makahabol sa play-in tournament dahil sa pang-siyam sila sa puwesto sa Western Conference.

 

 

Samantala, naging makasaysayan naman ang inilaro ni LeBron dahil siya ang unang player na may 50-point game bago mag-21-anyos at pagkatapos ng edad 35.

 

 

Siya rin ngayon ang oldest player sa NBA history sa edad na 37, na may at least 55 points at 10 rebounds sa isang game.

 

 

Ang iba pang mga players na nakapagtala na ng 50 plus points sa edad na 37-anyos ay sina Michael Jordan, Kobe Bryant, at Jamal Crawford.

Other News
  • Pinoy top challenger Magsayo at WBC champ Russel Jr nagkaharap sa final presscon bago ang big fight

    NAGKAHARAP kanina sa final press conference sina WBC featherweight world champion Gary Russell Jr at ang wala pang talo at top Pinoy challenger na si Mark “Magnifico” Magsayo bago ang big fight sa Linggo.     Ginanap ang harapan ng dalawa sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City sa New Jersey.     […]

  • MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

    NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.   Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]

  • LOVI, sa La Union nag-Holy Week at inabutan na ng ECQ; ex-bf na si ROCCO muling nakasama sa serye

    SA La Union nagbakasyon  noong Holy Week si Kapuso actress Lovi Poe at doon na siya inabutan ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs.      Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na […]