• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!

MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.

 

 

Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup sa Lodz, Poland noong Peb­rero ng 2021.

 

 

Si American Christopher Nilsen ang umangkin sa gold medal ng torneo sa France sa nilundag na 6.05m habang nakuntento si 2016 Rio de Janeiro Olympics champion Thiago Braz (5.91m) ng Brazil sa bronze medal.

 

 

Pinilit ng Southeast Asian Games at Asian meet record-holder na si Obiena na makuha ang 6.01m, ngunit nabigo siya sa tatlong attempts.

 

 

Mas maganda rin ang 5.91m ng 6-foot-2 na si Obiena kumpara sa naiposteng 5.81m sa Orlen Cup at Orlen Copernicus Cup na idinaos sa Poland noong nakaraang buwan.

 

 

Wala pang katiyakan kung makakasali si Obiena sa World Indoor Championships sa Belgrade, Serbia sa Marso 18-20 dahil hindi pa siya nakakakuha ng endorsement sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Other News
  • Barko ng Pinas ‘binomba’ uli ng China, binangga pa

    MATAPOS  ang pag-water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado, ang mga barko naman ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre ang binomba ng tubig ng China Coast Guard, Linggo ng umaga.     Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for […]

  • SUE, umamin na uncompatible ang signs nila ni XAVI pero nagawang mag-work; maraming makaka-relate sa ‘Boyfriend No. 13’

    MARAMI pa rin ang makaka-relate sa bagong series na, Boyfriend No. 13, a WeTV original, line produced ng APT Productions at sa direksyon ni John “Sweet” Lapus.          Kahit na into online, social media ang mga Pinoy ngayon, marami pa rin talaga ang naniniwala sa mga stars, horoscope at zodiac sign. At ganito […]

  • OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan

    MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan  ng ulan sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 […]