PBA dinadagsa na ulit
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
UNTI-UNTI nang dumaragsa ang mga fans sa venues ng PBA Season 46 Governors’ Cup.
Sa huling laro ng liga sa Smart Araneta Coliseum, umabot sa 6,502 ang nanood sa laban ng Barangay Ginebra at Rain or Shine noong Linggo.
Ito ang pinakamaraming bilang ng fans na nanood ng live sapul nang magsimula ang pandemya.
Ngayong nasa Alert Level 1 na ang buong National Capital Region, inihayag ng liga na nasa 100 percent capacity ang pinapayagan nitong makapanood ng live sa mga venues.
Kaya naman sinamantala ng mga fans na mapanood ng live ang kani-kanyang mga iniidolong players.
Huling nakatikim ng malaking bilang ng fans ang PBA noon pang Marso 8, 2020 sa laban ng San Miguel Beer at Magnolia sa Araneta kung saan umabot sa mahigit 11,000 ang mga nanood.
Pero dahil sa pandemya, isinara sa fans ang sumunod na kumperensiya — ang Philippine Cup na isinagawa sa isang full bubble setup sa Clark, Pampanga.
Nakabalik lamang ang live audience noong nakaraang taon nang magluwag ang restriction sa Metro Manila.
Umaasa ang pamunuan ng PBA na magtutuluy-tuloy na ang lahat lalo pa’t gumaganda na ang sitwasyon sa Pilipinas.
-
Netflix Gives A Glimpse Of Fuffy And Fream’s Unusual Relationship In ‘My Amanda’
IN her new film on Netflix, it looks like Alessandra de Rossi of Kita Kita and Through Night and Day will break our hearts once again. Netflix finally unveiled the official trailer of My Amanda, giving us a glimpse of the chemistry between Alessandra de Rossi’s Amanda and Piolo Pascual’s TJ, best friends who are seemingly on […]
-
Pogoy nakatakda na sa tahimik na buhay
BUHAT sa may siyam na taon at 10 buwang pagiging magdyowa, engaged na si Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas star Roger Ray ‘RR Pogoy at ang kasintahang si Love Portes. “Thank you Lord! She said yes!” caption ng TNT at national men’s basketball team shooter sa kanyang Instagram post nito lang […]
-
Robredo: ‘Dapat matapos ang pagbabakuna sa lahat ng Pilipino bago mag-2023’
Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na sikaping mapabilis ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa buong populasyon ng bansa. Pahayag ito ng pangalawang pangulo matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na posibleng abutin pa ng 2023 bago maturukan ng bakuna ang lahat ng Pilipino. “Dapat […]