• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Cancel culture’ ginagamit sa pag-iwas sa mga debate

NANINIWALA  ang kampo ni presidential candidate at Vice Pres. Leni Robredo na pinaiiral ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “cancel culture” para makaiwas sa mga debate at political rallies.

 

 

Sinabi ni dating congressman Erin Tañada, campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem na ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi isang laro ng taguan at ang pagiging lider ay nangangahulugan ng pagsipot at pagtupad sa mga pangako.

 

 

“If what drives Marcos to go back to Malacañang is to relive the ‘taguan’ game in the house of his youth, naku delikado ang bayan dyan,” ayon kay Tañada.

 

 

Iginiit pa niya na napaka-importante sa isang kandidato na maipaliwanag niya ang kanyang plataporma, lalo na sa mga nagnanais na maupo sa palasyo.

 

 

Hindi rin umano palaging magtatago si Marcos sa panawagan niya ng pagkakaisa.  Idiniin ni Tañada na ang pagkakaisa ay hindi isang plataporma at hindi rin isang plano.

 

 

“Yes, we can be united, but united for what? United for whom? Marcos is not a unifier, he’s the most divisive factor in this election,” ayon pa sa dating mambabatas.

 

 

Kung himalang mananalo sa halalan, sinabi pa ni Tañada na ang ugali ni Marcos na kanselahin ang kanilang mga aktibidad sa publiko ay mauuwi rin sa pagkansela niya sa mahahalagang bagay kung siya ay mauupo.

 

 

“Ngayon debate at rallies lang ang kanyang kina-cancel, kung bibigyan ‘yan ng pagkakataon, ang ika-cancel nya ang asenso ng bansa, ika-cancel niya ang ating COVID recovery, kanselado ang ating pag-unlad,” diin pa ni Tañada.

 

 

Bukod sa hindi pagdalo sa mga debate, nabatid rin na ilang pagtitipon ang kinansela na ni Marcos kabilang ang isang political rally sa Antique nitong Pebrero 24.

 

 

Kabaligtaran umano ito ngayon sa marami at magkakahiwalay na political rally na isinasagawa naman ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na dinudumog ng tao dahil sa alam nila na magpapakita ang kandidato kahit anong mangyari.

Other News
  • PBBM nagtalaga ng bagong mga hepe ng AFP, PNP at NBI Director

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng  Armed Forces the Philippines – Southern Luzon Command bilang bagong AFP chief of staff.     “The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. […]

  • Pagtalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang DOH official kinastigo

    KINUWESTIYON ng ilang grupo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating police chief Camilo Cascolan bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) — ito kahit hindi siya healthcare worker at wala pa ring secretary ang DOH.     Linggo lang nang kumpirmahin ng kagawaran ang pagkakatalaga ng dating pinuno ng Philippine […]

  • 500,000 Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

    Dumating na sa Pilipinas ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing China.     Lulan ito ng Philippine Airlines (PAL) flight no. PR359 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-5:00 ng hapon, Huwebes.     Bandang alas-7:00 ng umaga rin sa parehong araw nang umalis ang eroplano ng PAL sa […]