• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 10th, 2022

May iibahin sa Korean version ng ‘Start-Up’: BEA, excited nang mag-shoot dahil uniquely Filipino ang version nila ni ALDEN

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL na ngang kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na siya ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Start-Up.

 

 

Ang Start-Up ang isa sa nag-hit na k-drama noong nakaraang taon at gagampanan ni Bea ang role ng isa sa pinakasikat na Korean actress, si Bae Suzy.

 

 

Sa Instagram post ni Bea, although, pino-promote niya ang GMA Affordabox, sinabi niya na excited na siya sa gagawin nga niyang unang serye bilang isang Kapuso.

 

 

Aniya, “I’m thrilled to shoot my upcoming show on GMA, the Filipino adaptation of the Korean drama Start-Up!!

 

 

“Exciting ito dahil uniquely Filipino ang version natin.”

 

 

So ‘yun nga siguro ang sagot, ang sinabi ni Bea na “uniquely Filipino” ang version na gagawin nila. Meaning, iibahin at ‘di siguro kokopyahing buo ang Korean version.  Alam namin, mahigpit sa mga ganito ang Korean production at ayaw na binabago ang adaptation.

 

 

May chance na ang character kaya ni Alden Richards bilang si Good Boy ang makakatuluyan ni Bea?

 

 

***

 

 

BAGONG-BAGO para sa Kapuso actress na si Bianca Umali ang role niya sa 2nd installment ng GMA primetime series na Mano Po Legacy ang ‘Her Big Boss’.

 

 

Aminado si Bianca na sa lahat daw talaga ng role na ginawa niya, ito ang pinaka-challenging role na ginawa na niya.

 

 

Sabi pa niya, “Ang hirap po pala ng energetic ka palagi. Yung palagi ka lang masaya, ha ha ha!”

 

 

Palagi raw niyang kinakausap ang director nila na si Direk Easy Ferrer para tanungin at humingi ng mga pointers. Malaking tulong din daw ang dalawang leading men niya na sina Ken Chan at Kelvin Miranda at ang iba pang cast.

 

 

Para naman sa mga producers ng Mano Po Legacy: Her Big Boss na sina Joey Abacan at Roselle Monteverde, ang 2nd installment daw na ito ay maituturing nilang “dream cast.”

 

 

***

 

 

ANG bagong Pinoy Pop girl group na Calista ang maituturing na pinaka-biggest face to face launch na naganap sa panahon ngayong pandemic.

 

 

 

Sobrang bongga ng launching nila na ginanap sa Novotel at sinuportahan din ng ilang mga sikat na celebrities tulad ni Billy Crawford at ang social media influencer na si Niana Guerrero.

 

 

Binubuo ng anim na miyembro ang grupo na pawang mga dumaan daw sa audition at sinala talaga hanggang sa mauwi nga sila sa final six.  Nag-training ng anim na buwan sa mga kilala sa field ng dancing, singing at iba pa.

 

 

Although, halos lahat sila, masasabing may background na rin sa pag-arte at naka-appear na rin sa ilang serye at ang iba naman, naging beauty queen ang six girls na sina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle at Dain. 

 

 

Five years ang kontrata nila sa manager na si Tyronne Esalante at passionate itong talaga na makilala ang grupo hindi lang sa bansa, kung hindi internationally talaga.

 

 

At bongga talaga dahil sa April 26, 2022 sa Smart Araneta ay magkakaroon sila ng Vax to Normal concert. Pero sa ngayon, mapapanood na sa YouTube ang debut single nila at MTV na “Race Car” na milyon ang inabot ng production.

 (ROSE GARCIA)

UAAP, NCAA salpukan sa Marso 26

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGBABANGGAAN ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Marso 26 sa magkahiwalay na venue.

 

 

Kumpirmado na ang pagbubukas ng NCAA Season 97 sa naturang petsa habang nauna nang nagpahayag ang UAAP  na sisimulan ang Season 84 ng liga sa parehong petsa.

 

 

Gaganapin ang ope­ning rites ng NCAA sa La Salle Green Hills Gym sa Mandaluyong na siya ring magiging venue sa first day ng seniors basketball games.

 

 

Sa kabilang banda, idaraos naman ang UAAP opening ceremonies sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Itinalagang commissioner ng NCAA si ve­teran coach Bai Cristobal samantalang magiging commissioner ng UAAP si Tonichi Pujante.

 

 

Lalaruin ang NCAA mula Miyerkules hanggang Linggo kung saan dalawang laro ang masisilayan sa bawat play date.

 

 

Ang UAAP naman ay maglalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado — apat na laro kada play date.

 

 

Magkaiba ang format ng UAAP at NCAA.

 

 

Sa NCAA, single round robin format lamang habang double-round robin format naman ang UAAP.

 

 

Magiging magkatulad lamang ang dalawang liga sa Final Four kung saan ang Top 2 teams ay armado ng twice-to-beat advantage habang best-of-three naman ang magiging championship series.

Ads March 10, 2022

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Ukrainian paralympic athletes tuloy pa rin ang laban kahit may kaguluhan sa kanilang bansa

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING  malaking hamon para sa atleta ng Ukraine na lumalahok ngayon sa Winter Paralympics.

 

 

Ito kahit nagwagi sila ng siyam na medalya sa dalawang biathlon events.

 

 

Isa rin sa mga manlalaro ang nalungkot matapos na malaman na ang kaniyang ama ay inaresto ng mga sundalo ng Russia.

 

 

Hindi na itinuloy ng 19-anyos na si Anastasiia Laletina ang kaniyang biathlon middle distance sitting race ng mabalitaan ang pagka-aresto ng kaniyang ama ng mga sundalo ng Russia.

 

 

Kahit na mayroong nagaganap na pananakop ng Russia sa Ukraine ay mayroon na silang dalawang gold, apat na silver at tatlong bronze medals sa nagpapatuloy na torneo sa Beijing China.

 

 

Sa kasalukuyan ay nasa pangalawang puwesto ang Ukraine team na mayroong anim na gold habang una ang host country na China na mayroong walong gold medals.

 

 

May tsansa pa na madagdagan ang medalya ng Ukraine dahil sa pagsabak nila ng cross-country sprint races ngayong araw at biathlon events sa Biyernes.

LEA at MICHAEL BUBLE, sanib-puwersa bilang mga hurado sa all-digital singing competition na ‘Sing For The Stars’

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINA Lea Salonga at international singer Michael Buble ay magsasanib-puwersa bilang mga judges sa all-digital international singing competition na Sing For The Stars ng Filipino streaming platform na Kumu.

 

 

Layunin ng singing contest na ito ay para ma-empower ang digital creativity ng mga Pinoy at maka-discover ng fresh musical talents.

 

 

Ayon sa founder and CEO ng Kumu na si Roland Ros: “Sing For The Stars hopes to find a way to tap into the abundance of undiscovered talents online, while harnessing the power of social networking to forge its own global community. Kumu is the home of musicians. Through this competition, we’re discovering and highlighting new voices on a world stage in a unique and brand new way.”

 

 

Magkakaroon din daw ng pagkakataon ang mga magiging contestant na makapag-perform kasama sina Lea at Michael.

 

 

Dagdag pa ni Ros: “The event also offers comfort and convenience to many participants as they can perform in their living rooms, backyards, or garages.

 

 

Since Sing For The Stars is live-streamed on Kumu, everything is happening in real-time, including direct interactions and support from their adoring and supportive audience who are also all over the world.”

 

 

Naganap na ang first phase ng competition noong nakaraang February 23, 2020. Ngayon ay may 11 competitors na sila para sa final leg ng naturang singing competition.

 

 

Ang itatanghal na grand champion ay mag-uuwi ng $10,000 in cash, a one-year record contract with Warner Music, and their own mini-concert in the Kumu app, plus a one-on-one coaching session from Michael Bublé.

 

 

Ang first runner-up ay tatanggap ng $4,000 in cash, at ang second runner-up ay tatanggap ng $2,000.

 

 

“We’re really hoping to find talented, breakthrough artists who embody our core values of positivity and authenticity. But the show isn’t only about creating a stage for our singers, it’s also going to be a way to activate community support and rally music-lovers on the app to come together,” diin pa ni Ros.

(RUEL J. MENDOZA)

‘Oil price hike, posible pang pumalo sa P12 ang dagdag sa kada litro next week’

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLE pang makaranas ng mas matinding taas presyo sa produktong petrolyo sa bagong round nito sa darating na linggo.

 

 

Ito ay matapos ang pag-arangkada ng kasalukuyang pinakamataas na dagdag-presyo sa langis ngayong linggo.

 

 

Batay kasi sa datos na nakalap ng mga kinuukulan, posible pang tumaas sa P12.72 ang kada litro ng diesel, habang tinataya namang aabot sa P8.28 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

 

 

Ngunit ang naturang price adjustment ay depende pa rin sa magiging trading results sa susunod na apat na araw.

 

 

Ngayong linggo ipinatupad ang ika-sampung sunud-sunod na pagkakataong ikinisa ang big time oil price hike sa mga produktong petrolyo sa bansa.

Import at export ng mga produkto ng Unilever sa Russia, suspendido na rin

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINUSPINDE na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia.

 

 

Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang pantao, at ang pandaigdigang tuntunin ng batas.

 

 

Sa isang statement, nilinaw ng kumpanya na magpapatuloy sila sa pagsu-supply ng kanilang everyday essential food at hygiene products na gawa sa Russia sa mga tao sa bansa, habang isinasailalim ito sa mahigpit na pagsusuri.

 

 

Habang ang operasyon naman nito sa Ukraine at kasalukuyang itinigil upang tutukan anila ang pagtitiyak sa kaligtasan ng kanilang mga empleyadong Ukrainians at kanilang mga pamilya.

 

 

Nakiisa rin ang Unilever sa pagtulong sa paglikas sa mga kinakailangang ilikas, at pag-aabot ng dagdag na tulong pininsyal sa mga apektado ng naturang kaguluhan.

HIGIT P1 BILYON SHABU NASABAT NG PDEA SA VALENZUELA, 2 TIKLO

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT isang bilyong pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang Chinese national matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Wilkins Villanueva ang naarestong mga suspek na sina Tianzhul Yu at Meliza Villanueva ng Concepcion Tarlac.

 

 

Ayon kay Dir. Gen. Villanueva, dakong alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng pinagsamang mga tauhan ng PDEA Intelligence Service (PDEA-IS), PDEA Regional Office – National Capital Region (PDEA RO-NCR), PDEA Regional Office -3 (PDEA RO-3) PDEA Special Enforcement (SES), Armed Forces Of the Philippines, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Bureau of Customs (BOC), PNP PDEG IFLD, PNP RO3, Valenzuela Police Station, at Valenzuela ALERT Center ang buy bust operation sa J.P. Rizal St., Arty Subdivision, Brgy., Karuhatan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Nakumpiska ng mga operatiba ng PDEA sa mga suspek ang tinatayang nasa 160 kilograms ng hinihinalang shabu na nasa P1.088 bilyon pesos ang halaga, buy bust money at tatlong mobile phones.

 

 

Ani Villanueva, ang lugar na iyon ang posibleng source ng mga nahuhuli nila nitong mga nakaraang araw. Bahagi umano ito ng transnational drug syndicate na tinatawag na “The Company” ani Villanueva.

 

 

“The company is operating in South East Asia and ang source nito ay galing sa golden triangle,” dagdag niya.

 

 

Ang operation ay resulta ng serye ng mga nakaraang anti-drug operations nito lamang March 2022 sa Cavite, Bulacan, Cebu at Escalante City, Negros Occidental.

 

 

Sa kabuuan, umaabot sa 231.2 kilograms ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1.57 bilyon ang halaga ang nasamsam sa naturang mga anti-drug operation.

 

 

Kakasuhan ang mga naarestong suspek ng paglabag sa Sec. 5 &11 of Art. II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Bise Presidente Robredo, sinamahan ang mga boluntaryong Bulakenyo sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Sinamahan ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” G. Robredo ang libu-libong boluntaryong Bulakenyong Mother Leader at Lingkod Lingap sa Nayon mula sa Una at Ikalawang Distrito sa pagdiriwang ng International Women’s Month sa kanilang pagtitipon na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Sabado.

 

 

Sinalubong ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng ehekutibo sa bansa ni Gobernador Daniel R. Fernando at Bokal Alexis Castro sa Kapitolyo ng Lalawigan.

 

 

Sa kanyang mensahe, inihalintulad ni Robredo ang kanyang tungkulin bilang ina sa kanyang mandato sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

 

 

“Alam n’yo po ‘yung opisina namin, ‘yung Office of the Vice President, napakaliit lang ng aming pondo, napakaliit ng aming mandato. Pero dahil isang nanay po ako na sanay na naghahanap ng paraan, sanay na nagba-budget ng pera, sanay na pinagkakasya ang pera, kahit po napakaliit ng pondo namin, marami po kaming natulungan sa buong bansa,” anang bise presidente.

 

 

Pinarangalan rin niya ang mga sakripisyo ng mga ina, na ayon sa kanya, ay ramdam rin ang kanyang karanasan na magtrabaho ng 18 oras sa isang araw.

 

 

“Kayo pong nandirito, alam n’yo na tayong mga nanay, ‘pag umaga tayo ang pinakaunang gumigising para siguraduhin natin na ‘yung mga anak at mga asawa natin bago pa man magsimula ang araw nakahanda na ang lahat para sa kanila. Magta-trabaho tayo maghapon, tutulong tayo sa komunidad, pagdating ng gabi, kahit pagod na pagod tayo, tayo pa rin ang pinakahuling matutulog,” ani Robredo.

 

 

Sa kanyang bahagi, pinuri ni Fernando ang malaking papel ng mga boluntaryo sa lalawigan sa laban sa COVID-19.

 

 

“Kayo ang ating mga buhay na bayani. Ako po ay lubos na humahanga sa inyong dedikasyon at sakripisyo lalo na sa panahon ng pandemya. Masasabi ko po na walang kapantay ang inyong ipinamamalas na pagganap sa tungkulin bilang volunteers and frontliners ng ating lalawigan sa maraming hamon na ating pinagdaanan,” anang gobernador.

 

 

Ipinangako rin niya na itutulak ang karapatan at isyu ng mga kababaihan sa mga agenda ng pamahalaan.

 

 

Samantala, sinamahan si Robredo ng Bulakenyong mambabatas at muling tumatakbong senador na si Sen. Joel “Tesdaman” Villanueva.

‘Cancel culture’ ginagamit sa pag-iwas sa mga debate

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA  ang kampo ni presidential candidate at Vice Pres. Leni Robredo na pinaiiral ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “cancel culture” para makaiwas sa mga debate at political rallies.

 

 

Sinabi ni dating congressman Erin Tañada, campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem na ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi isang laro ng taguan at ang pagiging lider ay nangangahulugan ng pagsipot at pagtupad sa mga pangako.

 

 

“If what drives Marcos to go back to Malacañang is to relive the ‘taguan’ game in the house of his youth, naku delikado ang bayan dyan,” ayon kay Tañada.

 

 

Iginiit pa niya na napaka-importante sa isang kandidato na maipaliwanag niya ang kanyang plataporma, lalo na sa mga nagnanais na maupo sa palasyo.

 

 

Hindi rin umano palaging magtatago si Marcos sa panawagan niya ng pagkakaisa.  Idiniin ni Tañada na ang pagkakaisa ay hindi isang plataporma at hindi rin isang plano.

 

 

“Yes, we can be united, but united for what? United for whom? Marcos is not a unifier, he’s the most divisive factor in this election,” ayon pa sa dating mambabatas.

 

 

Kung himalang mananalo sa halalan, sinabi pa ni Tañada na ang ugali ni Marcos na kanselahin ang kanilang mga aktibidad sa publiko ay mauuwi rin sa pagkansela niya sa mahahalagang bagay kung siya ay mauupo.

 

 

“Ngayon debate at rallies lang ang kanyang kina-cancel, kung bibigyan ‘yan ng pagkakataon, ang ika-cancel nya ang asenso ng bansa, ika-cancel niya ang ating COVID recovery, kanselado ang ating pag-unlad,” diin pa ni Tañada.

 

 

Bukod sa hindi pagdalo sa mga debate, nabatid rin na ilang pagtitipon ang kinansela na ni Marcos kabilang ang isang political rally sa Antique nitong Pebrero 24.

 

 

Kabaligtaran umano ito ngayon sa marami at magkakahiwalay na political rally na isinasagawa naman ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na dinudumog ng tao dahil sa alam nila na magpapakita ang kandidato kahit anong mangyari.