• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After nang one month lock-in taping: KYLIE, masayang pinost ang mga photos na muling nakasama ang dalawang anak

NATAPOS na pala ang one month lock-in taping ni Kylie Padilla para sa pinagbibidahan na GMA teleserye na Bolera.

 

 

Sa kanyang latest Instagram post, kasama na niya ang kanyang dalawang na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Huli kasing nakasama ng aktres ang mga anak noong January bago siya mag-lock-in taping.

 

 

“Missed these boys,” simpleng caption ni Kylie sa IG.

 

 

Kahit na nagtatrabaho si Kylie malayo sa kanyang mga anak, hindi siya nakakalimot na mag-video call sa mga ito gabi-gabi. Hindi raw nawala ang kanyang pagiging nanay kahit wala sa tabi niya ang dalawang boys nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

 

 

Nasabi nga noon ni Kylie na marami siyang kailangan isakripisyo para sa kinabukasan ng kanyang dalawang anak. At isa na rito ay ang malayo siya sa mga ito dahil sa trabaho.

 

 

Sa Bolera, bilang isang billiard prodigy ang role ni Kylie, marami siyang natutunan na billiard tricks kasama sina Rayver Cruz at Jak Roberto.

 

 

***

 

 

PLANO ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina na masundan na ang panganay nilang si Baby Joaquin. 

 

 

Magtu-two years old na raw this year si Baby Joaquin at naghahanap na raw ito ng makakalarong kapatid sa bahay.

 

 

“Praying talaga. This year let’s claim it,” sey ni Dianne kay Rodjun na game na game nang magkaroon ng second baby.

 

 

Girl naman daw ang gustong baby ni Dianne para kumpleto na raw sila. Dalawang anak lang daw ang gusto nila ni Rodjun.

 

 

Sey ni Dianne: “Okay na kasi ako sa dalawang anak. Pero kung sakaling naging boy ang second baby namin, it’s okay dahul blessing yan from God. But I am hoping kasi na girl naman this time.”

 

 

Ang nakikitang problema lang daw ni Rodjun ay masyado raw silang busy na mag-asawa sa trabaho nila. Kung gusto raw nilang magkaroon ng second baby, kailangan walang stress sa kanilang dalawa.

 

 

“Sobra kaming nakatutok sa trabaho ni Dianne sa ngayon. Mas gusto ko sana na bawasan ni Dianne yung workload niya. Kasi grabe siya sa trabaho, sobrang seryoso siya na minsan napapagod, para makapagpahinga rin talaga siya,” diin pa ni Rodjun na napapanood sa GMA Afternoon Prime teleserye na Little Princess.

      (RUEL MENDOZA)

Other News
  • P3M DROGA NASAMSAM SA BUY BUST SA MAYNILA

    NASAMSAM ang tinatayang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong naarestong tulak sa magkahiwalay na drug operation sa Maynila.     Kinilala ang mga suspek na sina Abdulmanan Buisan, Sarah Manonong  at Marissa Manansala.     Si Buisan ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit  kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang  […]

  • ALBIE, tahasang sinabi na hindi pa rin ramdam kahit vindicated na dahil sa bashing at nawalang trabaho

    KUMPARA nga siguro sa mga nakaraang anniversary special ng GMA-7’s longest running-gag show na Bubble Gang mas simple nga raw ang selebrasyon ng show kahit na isang milestone ang sine-celebrate nila ngayon.     Imagine, 25 years, as in, silver anniversary ng show. Mabibilang lang siguro sa daliri ng kamay ang mga programa sa telebisyon […]

  • Facility quarantine sa asymptomatic, mild COVID cases mandatory na – IATF

    INOOBLIGA na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic at mild ang sintomas na ma-quarantine sa mga pasilidad na aprubado ng gobyerno.   Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, nakapaloob ito sa IATF Resolution No. 74 kung saan nakasaad na mandatoy sa asymptomatic at mild […]