• March 25, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Facility quarantine sa asymptomatic, mild COVID cases mandatory na – IATF

INOOBLIGA na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga positibo sa COVID-19 na asymptomatic at mild ang sintomas na ma-quarantine sa mga pasilidad na aprubado ng gobyerno.

 

Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, nakapaloob ito sa IATF Resolution No. 74 kung saan nakasaad na mandatoy sa asymptomatic at mild cases ang facility-vase quarantine maliban sa mga pasyenteng itinuturing vul- nerable o may comorbidities o maaaring komplikasyon.

 

Ayon kay Sec. Roque, may ex- ception din kung ang mga Ligtas COVID-19 Centers sa isang rehiyon ay okupado na at walang sapat na isolation facilities ang local government unit (LGU).

 

“We likewise notify the public that facility-based isolation shall be required for confirmed asymptomatic and mild COVID- 19 cases, except where, as confirmed by the local health officer, the patient is considered vulnerable or having comorbidities and that his/her home meets the conditions specified in the Department of Health and the Department of the Interior and Local Government Joint Administrative Order 2020-0001,” ani Sec. Roque. (Ara Romero)

Other News
  • Edad 12-15 posibleng isama na sa bakuna

    Posibleng makasama ang mga kabataang may edad 12 hanggang 15 taong gulang sa ‘vaccine priority list’ makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na kanilang pinag-aaralan na ito.     Sinabi ni DOH Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani na pinag-uusapan na sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) kung paano sila magkakaroon ng […]

  • Binalaan ang mga mambabatas kapag iginiit ang contempt powers sa PSG

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipag-uutos niya sa Presidential Security Group na itikom ang bibig at manatiling tahimik sa usapin ng inoculation o pagbabakuna sa ilang miyembro nito ng unregistered COVID-19 vaccines kapag ipinatawag ang mga opisyal nito sa Senate inquiry.   Nagpahayag kasi ang ilang senador na ipatatawag nila si PSG commander […]

  • Suzara nanawagan kay Tolentino

    PINAKIKIUSAPAN ng National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) ang Philippine Olympic Committee (POC) na ibahin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa esports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC) na  international federation (IF) para sa sport.   Isinalaysay ni NESFP President Ramon Suzara […]