May iibahin sa Korean version ng ‘Start-Up’: BEA, excited nang mag-shoot dahil uniquely Filipino ang version nila ni ALDEN
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL na ngang kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na siya ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Start-Up.
Ang Start-Up ang isa sa nag-hit na k-drama noong nakaraang taon at gagampanan ni Bea ang role ng isa sa pinakasikat na Korean actress, si Bae Suzy.
Sa Instagram post ni Bea, although, pino-promote niya ang GMA Affordabox, sinabi niya na excited na siya sa gagawin nga niyang unang serye bilang isang Kapuso.
Aniya, “I’m thrilled to shoot my upcoming show on GMA, the Filipino adaptation of the Korean drama Start-Up!!
“Exciting ito dahil uniquely Filipino ang version natin.”
So ‘yun nga siguro ang sagot, ang sinabi ni Bea na “uniquely Filipino” ang version na gagawin nila. Meaning, iibahin at ‘di siguro kokopyahing buo ang Korean version. Alam namin, mahigpit sa mga ganito ang Korean production at ayaw na binabago ang adaptation.
May chance na ang character kaya ni Alden Richards bilang si Good Boy ang makakatuluyan ni Bea?
***
BAGONG-BAGO para sa Kapuso actress na si Bianca Umali ang role niya sa 2nd installment ng GMA primetime series na Mano Po Legacy ang ‘Her Big Boss’.
Aminado si Bianca na sa lahat daw talaga ng role na ginawa niya, ito ang pinaka-challenging role na ginawa na niya.
Sabi pa niya, “Ang hirap po pala ng energetic ka palagi. Yung palagi ka lang masaya, ha ha ha!”
Palagi raw niyang kinakausap ang director nila na si Direk Easy Ferrer para tanungin at humingi ng mga pointers. Malaking tulong din daw ang dalawang leading men niya na sina Ken Chan at Kelvin Miranda at ang iba pang cast.
Para naman sa mga producers ng Mano Po Legacy: Her Big Boss na sina Joey Abacan at Roselle Monteverde, ang 2nd installment daw na ito ay maituturing nilang “dream cast.”
***
ANG bagong Pinoy Pop girl group na Calista ang maituturing na pinaka-biggest face to face launch na naganap sa panahon ngayong pandemic.
Sobrang bongga ng launching nila na ginanap sa Novotel at sinuportahan din ng ilang mga sikat na celebrities tulad ni Billy Crawford at ang social media influencer na si Niana Guerrero.
Binubuo ng anim na miyembro ang grupo na pawang mga dumaan daw sa audition at sinala talaga hanggang sa mauwi nga sila sa final six. Nag-training ng anim na buwan sa mga kilala sa field ng dancing, singing at iba pa.
Although, halos lahat sila, masasabing may background na rin sa pag-arte at naka-appear na rin sa ilang serye at ang iba naman, naging beauty queen ang six girls na sina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle at Dain.
Five years ang kontrata nila sa manager na si Tyronne Esalante at passionate itong talaga na makilala ang grupo hindi lang sa bansa, kung hindi internationally talaga.
At bongga talaga dahil sa April 26, 2022 sa Smart Araneta ay magkakaroon sila ng Vax to Normal concert. Pero sa ngayon, mapapanood na sa YouTube ang debut single nila at MTV na “Race Car” na milyon ang inabot ng production.
(ROSE GARCIA)
-
Ads April 20, 2022
-
Pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer: Hollywood actress na si SHANNEN DOHERTY, pumanaw sa edad na 53
PUMANAW sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na ‘Beverly Hills 90210’ at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na ‘Charmed’. July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015. […]
-
Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking. “Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, […]