Minimum wage sa NCR ‘di na sapat, regional wage boards kailangang mag-review na – Sec. Bello
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi na sumasapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng presyo sa mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.
Inihalimbawa ni Bello ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital Region na nasa P537 ay hindi aniya sapat para sa presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain gayundin sa iba pang gastusin sa bill ng kuryente at tubig.
Sa isang statement, inatasan ng kalihim ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa buong bansa na paspasan ang pag-review sa minimum wages.
Kumpiyansa ang Labor chief na maisusumite ng board ang kanilang rekomendasyon bago matapos ang buwan ng Abril.
Aminado naman ang kalihim na malaking hamon ang pagtatakda at adjustment ng angkop na antas ng minimum wage kayat mahalaga ang pagbalanse dito.
Nauna ng nakatanggap ng mga petisyon ang RTWPB hinggil sa minimum wage increase, isa dito ang panawagang pagkakaroon ng tinatawag na uniform increase ng P750 bilang minimum wage sa buong bansa.
-
Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date
MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date. Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]
-
Kaso ng COVID-19 bahagyang tumataas – OCTA
NAITALA ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research. Sa Laging Handa online public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research na nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID-19 na medyo tumaas pero hindi pa […]
-
Ilang mga hotel sa NCR tatanggap na ng staycation – DOT
Nasa halos 6,000 na mga kuwarto mula sa 13 staycation hotels sa Natonal Capital Region (NCR) ang binuksan ng Department of Tourism (DOT) para sa mga bisita. Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pangunahin pa rin na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bisita at tourism workers. Kanilang na-inspect na […]