Ex-top prosecutor nahalal bilang bagong presidente ng South Korea
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAHALAL bilang bagong pangulo ng South Korea ang oposisyon at dating top prosecutor na si Yoon Suk-yeol sa ginanap na halalan nitong nakalipas na Miyerkules.
Nanguna si Yoon na nakakuha ng 48.6% na boto laban sa ruling liberal party Democratic candidate na si Lee Jae Myung na nakatipon ng 47.8% votes mula sa mahigit 99% votes na nalikom.
Ang pagkapanalong ito ni Yoon ay inaasahang magiging daan para magkaroon ng malakas na alyansa sa US at mas maigting na ugnayan sa North Korea.
Sa victory speech ng dating top prosecutor at newly elected president ng South Korea, na kaniyang igagalang ang konstitusyon at parliament gayundin makikiisa ito sa opposition party para sa matiwasay na pamumuno.
Sa buwan ng Mayo nakatakdang manumpa bilang bagong pangulo si Yoon at magsisilbi ng limang taong termino bilang lider ng itinuturing na 10th largest economy sa buong mundo.
-
“Bagong Bahay, Bagong Buhay!” Valenzuela LGU nag turnover ng housing units sa Laon beneficiaries
NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan ng Social Housing and Finance Corporation (SFHC) ng blessing at turnover ceremonies ng mga housing unit sa ilalim ng Laon CMP Vertical Housing Project – Phase I para sa mga benepisyaryo ng Laon sa Barangay Veinte Reales. Pinangunahan nina Mayor Wes Gatchalian, Department of Social […]
-
Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac
HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech. Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use. At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang […]
-
“PETER RABBIT” STILL A MASTER OF MISCHIEF IN SEQUEL’S NEW TRAILER
THIS year, get ready for the ultimate family event! Watch the new trailer for Peter Rabbit 2: The Runaway now and see Peter in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/u_6epDAeAl0 About Peter Rabbit 2: The Runaway In Peter Rabbit 2: The Runaway, the lovable rogue is back. Bea, Thomas, and the rabbits have created a makeshift […]