• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport groups atras muna sa taas pasahe

UMATRAS na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products.

 

 

Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at 1-United Transport Ko­alisyon na huwag na lamang humingi ng taas sa minimum na pasahe dahil dodoblehin ng gobyerno ang naibibigay na fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga passenger vehicles.

 

 

Sinasabi rin ni Dotr Secretary Arthur Tugade na oras na magtaas ng pasahe ay maaring tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

 

Una nang nagsabi ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isasalang nila sa isa pang pagdinig sa susunod na linggo ang P1 provisional increase of P10 minimun fare hike petitions ng iba’t ibang jeepney groups.

 

 

Ayon sa DOTr, naglaan ang ahensiya ng P5 ­bilyong pondo bilang fuel subsidy sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasakyan.

 

 

Ang kalahati o P2.5-B ay ibibigay na ngayong Marso at ang P2.5-B ay sa Abril. Aabot sa P13,000 fuel subsidy ang matatanggap ng bawat tsuper.

 

 

Nagbabala naman si LTFRB Chairman Martin Delgra na parurusahan at aalisin ang permit to operate ng mga pampasaherong sasakyan oras na malaman na nagtaas agad ng pasahe nang walang otorisasyon mula sa ahensiya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

    PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.     Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]

  • PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon

    Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito.     Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito.     “A transport infrastructure project like […]

  • DavOro nagpasaklolo sa PSC

    NAGPAPAAYUDA ang Davao de Oro sa Philippine Sports Commission (PSC) partikular kay Chairman William I. Ramirez para sa pagho-host ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) Meet 2020 na na-reset sa Abril 1-7 sa Municipality of Montevista.   Sinadya ni Davao de Oro provincial sports coordinator Miles Atugan, kasama ang sports coordinators ng iba’t ibang siyudad, […]