• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DavOro nagpasaklolo sa PSC

NAGPAPAAYUDA ang Davao de Oro sa Philippine Sports Commission (PSC) partikular kay Chairman William I. Ramirez para sa pagho-host ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) Meet 2020 na na-reset sa Abril 1-7 sa Municipality of Montevista.

 

Sinadya ni Davao de Oro provincial sports coordinator Miles Atugan, kasama ang sports coordinators ng iba’t ibang siyudad, munisipyo at bayan sa pagbisita sa PSC chief sa Maynila.

 

“Chairman, Gov. (Jayvee Tyrone) Uy wants PSC’s help to train our coaches and athletes to improve our Davraaa Meet ranking since we are this year’s host,” ani Atugan, sa pagpapaliwanag na pumanbgsiyam lang ang probinsiya sa 2019 regional meet.

 

Sumagot naman si Ramirez kay Atugan na iprayoridad ang medal-rich sports kumpara sa mga popular ball game.
Nangako rin ang PSC chief na magpapadala ng coaches at trainers sa basketball, volleyball, football, boxing, swimming, athletics, table tennis, archery, taekwondo, at arnis, na ilan lang sa programa nito para maisagawa ang coaches’ education at sports clinics para sa DAVRAA-bound Davao de Oro athletes ngayong Marso.

 

“Leadership is important to succeed in sports. If there is no leadership, nothing will prosper. Coach leadership, discipline and character are vital in producing competitive and champion athletes,” panapos na pahayag ni Ramirez. (REC)

Other News
  • IATF, masusing pinag-aaralan ang posibilidad ng pagluluwag pa ng travel restrictions sa bansa

    MASUSING pinag-aaralan ngayon ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad ng pagluluwag pa ng travel restrictions sa bansa.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na partikular nilang pinag-uusapan ang pagpayag sa non-essential trav- els mula sa mga turistang galing sa mga bansang may mababang kaso ng COVID-19.   Aniya, […]

  • Ernie Gawilan ng PH nagtapos sa ika-6 na puwesto sa Paralympics freestyle swimming finals

    Bigo si Ernie Gawilan na makakuha ng medalysa sa 2020 Tokyo Paralympics men’s freestyle 400-meter-S7 finals.     Nagtapos si Gawilan sa ika-anim na puwesto mula sa walong finalists sa oras na 4:56.24.     Ito ay 25.18 seconds behind kay Mark Malyar ng Isarel na nakakuha ng gold sa naturang tournament.     Nakagawa […]

  • COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

    TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.   Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.   Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) […]