• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NASITA SA FACE MASK, OBRERO KALABOSO SA BARIL AT SHABU

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 48-anyos na construction worker matapos mabisto ang baril at shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 3 Commander PMAJ Tessie Lleva ang naarestong suspek na si Eric Lian, ng 171 A. Fernando St., Brgy., Marulas.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, dakong alas-4:15 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS3 sa ilalim ng pangangsiwa ni PMAJ Lleva sa kahabaan Bai Compound, Brgy. Marulas nang sitahin nila ang suspek dahil walang suot na face mask na malinaw sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan ni PCpl Bernie Badia-on para isyuhan ng ordinace violation receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ni PCpl Reymon Evangelista hanggang sa makorner at maaresto.

 

 

Nang kapkapan, narekober sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P3,400 ang halaga, isang cal. 22 revolver, apat na bala at holster.

 

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC at RA 10591 (Comprehensive law on firearms and ammunitions) in relation to Comelec resolution number 10728. (Richard Mesa)

Other News
  • Heart Evangelista stars as the ‘bestie’ of ‘Bling Empire’ actor Kane Lim.

    THE pandemic caused a record surge in weddings and one couple’s struggle to reschedule their wedding three times and ultimately have a surprise wedding is now a major feature film titled “The Wedding Hustler”.     Chris and Hillary Soriano featured their actual wedding in the upcoming Romantic Comedy to show the chaos in fighting […]

  • Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games

    SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.   Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa […]

  • Baguio city Mayor Benjamin Magalong, mananatiling tracing czar – Malakanyang

    MANANATILI pa ring tracing czar si Baguio City Mayor Benjie Magalong.   Sa katunayan, ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay patuloy ang mga ibinibigay na pagsasanay o training ng alkalde sa iba’t ibang mga Local Government Units (LGUs) para sa epektibong contact tracing system.   “Si Mayor Magalong pa rin po at ang alam ko po […]