• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 52) Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica

SA KABILA ng mga balang tinamo ay nagawa pa ring maka-survive ni Bela kahit unconscious pa ito.

Matapos naman kausapin ng doktor ang mag-asawang Dominguez ay agad na lumapit ang mga Cabrera upang alamin ang kalagayan ni Jeff.

 

“He is also a survivor now…but there’s also a chance na hindi na siya magising…” umiiyak na sabi ni Mrs.Dominguez. “Kailangan namin siyang mailipat sa mas mahusay na ospital.”

 

Nagkatinginan sina Bernard at Angela. Bagamat hindi gusto ni Bernard si Jeff para sa anak ay hindi rin naman niya nais na mapahamak ito.

 

“Ikinalulungkot po namin ang pangyayaring ito… sana ay pareho silang bumuti sa mga darating na araw.” ani Angela.

 

Habang si Roden ay inihahanda naman ang mga gagawin niyang pagpapahirap kay Bernard sa kumpanya. Pinag-aaralan niya ang mga record nito. Naiinis siya dahil napakalinis ng record nito at wala siyang makitang butas para maikonekta ito sa isang anomalya.

 

“Shit! Bakit ba napaka-smooth sailing ng pagtatrabaho mo Bernard!” anas niya sa sarili.

 

May naisip si Roden.

 

“Tama, since hawak ko na sa leeg ang halos lahat ng matataas sa kumpanyang ito, pwede akong pumili sa kanila ng makakasabwat para madiin sa isang kaso si Bernard.” napangisi si Roden. “Sorry ka na lang Bernard dahil hindi mo pa ako pinatay noong nagkaroon ka ng pagkakataon…sooner or later ay lalapit sa akin si Angela para sa kalayaan mo at siya mismo ang hihingin kong kapalit.”

 

Boluntaryong nagpaiwan si Cecilia sa ospital para magbantay kay Bela. Pansamantala muna kasing umuwi ang mag-asawa upang ayusin ang ilang mahalagang bagay at saka sila babalik sa ospital.

 

Habang nakatitig si Cecilia sa walang malay na anak-anakan ay napapaisip siya ng malalim. Hindi niya akalain na darating sila sa ganitong punto. Noong mangibang bansa ang mag-asawa, akala niya ay doon na natuldukan ang koneksyon niya sa kanila. Ngunit heto siya ngayon at labis na nagmamahal sa kanilang anak. Sa tingin niya’y habambuhay na siyang matatali ngayon sa mga Cabrera dahil kay Bela. Gaano man kasakit para sa kanya na muling makasama ang nag-iisang lalaking minahal niya na nagmamahal naman ng iba ay titiisin niya alang-alang kay Bela.

 

Naputol ang pagmumuni-muni ni Cecilia nang dumating si Jared.

 

“Ahm, hello po.”

 

“Maupo ka, ikaw si Jared hindi ba?”

 

“Opo…kayo po ang Mama Cecille ni Bela. Nabigla po ako nung mabalitaan ko ang nangyari sa kanila ni Jeff…”

 

“Lahat naman tayo nabigla…pero magpasalamat tayo at binigyan pa si Bela ng pangalawang pagkakataon para ipagpatuloy ang buhay.”

 

“Sana magising na po siya agad…”

 

Tumingin si Cecilia sa binata.

 

“Mahal mo siya tama ba?” diretsong tanong ni Cecilia.

 

Ngumiti muna si Jared bago sumagot. “Tama po kayo. Hindi ko naman inililihim ‘yon. Kahit na may mahal na siyang iba.”

 

“Bakit kaya gano’n, bakit kailangan maramdaman ang pagmamahal kung hindi naman ito nauukol para sa’yo?”

 

Si Jared naman ang napatingin sa babae.

 

“Naranasan nyo na rin po ba na magmahal ng taong hindi ikaw ang mahal?”

 

Malungkot na tumango si Cecilia.

 

“Siguro po kasi sadyang masalimuot ang pag-ibig. Marami tayong hindi naiintindihan dahil sa hiwagang bumabalot dito. Basta ang alam lang natin ay yung damdamin na umaalipin sa atin, nasa tama man ito o mali.” paliwanag ni Jared.

 

“Siguro nga tama ka.Baka kailangan lang natin tanggapin na itinakda tayong magmahal pero hindi ang mahalin.”

 

“Ang sakit naman no’n.” natatawa na lang na sabi ni Jared.

 

Napangiti na rin si Cecilia.

 

Sa loob ng kanilang silid ay masinsinang nag-uusap sina Bernard at Angela. Kinukwenta nila ang lahat ng kanilang naipon at kung paano ito makakatulong sa naiisip nilang plano.

 

Pagbalik ni Bernard sa trabaho ay nabungaran agad niya si Roden. Nakangisi itong lumapit sa lamesa niya.

 

“Kumusta Bernard, mukhang napasarap ang leave mo ha, nagising na ba ang sleeping bela mo?”

 

“Huwag na tayong mag-usap Roden, wala naman tayong magandang pag-uusapan.”

 

“Yeah I know. Gusto ko lang naman i-remind sa’yo na may power na ako sa kumpanyang ito at sa ngayon ay plano kong i-review ang mga naging transaksyon mo sa nakalipas na dalawang taon. Kaya kung may itinatago ka, dapat ka ng kabahan.”

 

Tumayo si Bernard at hinarap ang lalaki.

 

“Kahit ubusin mo ang buhay mo sa pagre-review ng mga nagawa ko para sa kumpanyang ito, wala kang makikitang anomalya maliban kung ikaw mismo ang magtatanim nito. Pero madaliin mo lang dahil aalis ako sa kumpanyang ito na mas malinis pa sa puting papel ang imahe ko.”

 

“Anong ibig mong sabihing aalis?” kunot noong tanong ni Roden.

 

“Ipinasa ko na sa mas nakatataas sa akin ang lahat ng mga files ko. Malamang nire-review na nila ngayon ang lahat ng transakyon na dumaan sa kamay ko. After that ay saka nila aaprubahan ang resignation ko. Kaya good luck na lang sa’yo Roden at sa mga plano mo sa akin.”

 

Natigilan si Roden at hindi nakaimik.

 

Nang makalabas sa opisina ni Bernard ay agad niyang tinawagan ang tao sa loob na napili niyang kasabwatin.

 

“Anong balita?”

 

“Sorry boss, wala na yung mga files ni Bernard dito eh, nakuha na yata, paano ko pa ma-e-edit ang mga ‘yon at magagawan ng butas?”

 

“Shit!” inis na sabi ni Roden sabay baba ng phone.

 

Mula kay Roden ay nalaman ni Regine ang planong pagre-resign ni Bernard. Pinagagawan nito ng paraan sa kanya na hindi ituloy ni Bernard ang planong pagre-resign.

 

Sa elevator inabutan ni Regine si Bernard. Mabuti na lamang at sila lang dalawa ang sakay niyon.

 

“Bernard, huwag mong ituloy ang pagre-resign mo please?”

 

Nagtaka si Bernard kung paano nito nalaman gayong wala pa siyang ibang pinagsabihan nito kundi si Roden.

 

“Sinabi sa’yo ni Roden?”

 

“Ahm, nabanggit lang niya, you know naman na matagal na tayong magkakaibigan nila Roden diba, but it doesn’t matter, ang importante yung sitwasyon ngayon, alam mo naman na ikaw lang ang maaasahan ko sa kumpanyang ito, right?”

 

“Matalino ka Regine, kaya mong makipagsabayan sa mga tao rito kahit wala ako.”

 

“Pero Bernard, nakikiusap ako…don’t do this to me, dito na nga lang kita nakakasama tapos aalis ka pa?”

 

“Hindi mo ako kailangan Regine. Kailangan ako ng pamilya ko.”

 

Dahil sa sinabi ni Bernard ay labis na namang nasaktan si Regine. Kaya’t…

 

“Bawiin mo ang resignation mo Bernard at sasabihin ko sa’yo kung sino ang mastermind sa nangyari sa anak mo.”

 

Nakalabas na ng elevator si Bernard ngunit natigilan siya sa sinabi ni Regine na nanatili sa loob.

 

(ITUTULOY)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang “major reform” para labanan ang smuggling, tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo

    NAIS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng reporma sa burukrasya para labanan ang smuggling, babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo.  Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa. Sa isinagawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC), sinabi ng Pangulo na ang kasalukuyang […]

  • Payag maging kapatid o kahit alalay ng aktres: JESSY, wish makatrabaho si MARIAN at si DINGDONG

    WISH pala ni Jessy Mendiola, sa muling pagbabalik-acting niya ay makasama niya ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  Biro pa niya “kahit maging PA (personal assistant) lamang nila, payag ako.”  Nasabi ito ni Jessy sa interview niya sa grand opening ng Manila Diamond Studio na siya ang celebrity endorser.     […]

  • Traditional jeep ‘di ibabasura – Marcos

    NILINAW ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi tuluyang ibabasura ang traditional jeepney.     Sa pinakahuling vlog ng Pangulo, nilinaw nito na hindi ipi-phase out ang mga luma o traditional jeepney kundi ginagawa lamang itong moderno.     Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Marcos bilang tugon sa mga liham na natanggap nito […]