• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang “major reform” para labanan ang smuggling, tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo

NAIS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng reporma sa burukrasya para labanan ang smuggling, babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo.
 Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa.
Sa isinagawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC), sinabi ng Pangulo na ang kasalukuyang sistema ay hindi gumagana, binigyang diin na kailangang gumawa ng paraan ang pamahalaan para tugunan ang malaganap na  smuggling.
“To be brutally frank about it, we have a system but they are not working. The smuggling here in this country is absolutely rampant. So it does not matter to me how many systems we have in place, they do not work,” ang winika ng Pangulo sa mga miyembro ng  PSAC sa Malakanyang.
“So we really have to find something else. We cannot continue to depend on these systems which have already proven themselves to be quite ineffective,” giit ng Punong Ehekutibo.
“Whether the systems are ineffective or whether it’s the way they’re being operated or the result of side deals by the people, the end result is that the systems currently in place are not working, ” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na hindi hayaan  ng gobyerno na “mawalis na lamang ang isyu at itago sa ilalim ng basahan” dahil malaki ang pinsala nito sa estado at  private businesses.
Ayon sa Pangulo, “issues on the ease of doing business and the inefficiency of the country’s airports and seaports are the major complaints he is receiving from the business sector.”
Kailangan aniya na maging mas “innovative” ang mga concerned agencies sabay sabing ” the government has to delineate functions or establish new agencies if necessary to be effective.”
Isa sa rekomendasyon na binanggit ay ang buksan ang database sa Bureau of Customs (BOC) at sa Department of Agriculture (DA) upang tiyakin ang epektibong pagbabahagi ng impormasyon.
Sinabi ng mga opisyal, na isa itong paraan para sa pag-uugnay ng impormasyon para labanan ang  smuggling.
Maging ang mga enforcers, anila ay mayroong problema sa pagtugis sa mga smugglers dahil sa  documentary requirements o paper chase. (Daris Jose)
Other News
  • GABBY, hindi na maninibago sa lock in taping ng ‘First Yaya’

    FINALE episode na tonight ng drama anthology ng GMA Network na I Can See You: Truly. Madly. Deadly., na nagtampok kina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Rhian Ramos.   Noong nagti-taping pa lamang sila ng serye, nakita ni Dennis ang mahirap na trabaho ng production staff, kaya nag-decide siyang i-donate ang part ng kanyang talent […]

  • ‘Di malilimutan ang eksenang kinunan na nag-trending: BARBIE, takot na takot nang umakyat sa tuktok ng church bell tower

    MARAMING ‘first’ na nai-experience si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagsu-shoot niya ng historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.”      Ito ang top-rating primetime series ng GMA Network na nagtatampok kina Barbie, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Drama Actor Dennis Trillo.     Isa sa hindi malilimutang […]

  • PDu30, umaasa na mauulit ang matagumpay na unang ‘Bayanihan, Bakunahan’

    DAHIL sa tagumpay ng bansa sa kauna-unahang sabay-sabay na vaccine drive laban sa Covid-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kahalintulad na resulta para sa “second round” nito sa susunod na linggo.   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na […]