• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS COASTAL DEVELOPMENT

MASAYANG ibinalita nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na nagbunga na ang matagal nia nilang plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Cong. John Rey kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin ang lokal na pamahalaan ng Navotas.

 

 

Ani magkapatid, sa itatayong Expressway papuntang New Manila International Airport ay tatayuan ito ng 3,480 units na Pabahay, ang pinakamalaking pabahay project natin sa lungsod.

 

 

“Mayroon itong residential condominium, parks, open space, public facilities, commercial area, organized vendor’s area, tricycle and pedicab terminals, mga daanan ng mga bangka at mga fisherman’s wharf”sabi ni Cong. John Rey.

 

 

“May tulay na naka konektado sa A. Ignacio St. Bicycle, Pedicab at Pedestrian bridges sa Judge Roldan at A. Santiago at on ramp para sa ekslusibong lane ng motorsiklong below 400cc at ekslusibong lane para sa mga bisikleta at walang tatamaan na mga kabahayan” pahayag naman ni Mayor Toby.

 

 

“Pabahay at progreso sa mga Navoteño, yan po ang ating patuloy na pagsusumikapan, para sa inyo, mga kababayan ko!” dagdag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Patuloy na naire- record na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, dapat tingan sa positibong perspektibo – WHO

    NANINIWALA ang World Health Organization na hindi dapat na ikahina ng kalooban ang patuloy na naiuulat na pagdami ng kaso ng COVID sa bansa.   Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque na ito ang inihayag ni WHO representative to the Philippines Dr Rabindra Abeyasinghe gayung indikasyon aniya ito sa pagtaas ng actual COVID testing na […]

  • Naganap ang intimate wedding ceremony sa Northern Ireland: GLAIZA, nanggulat dahil ikinasal na rin pala kay DAVID noong October

    NASORPRESA ang netizens na sumusubaybay sa Valentine’s Day celebration ng Kapuso Mo Jessica Soho, last Sunday, nang aminin ni Kapuso actress Glaiza de Castro na married na siya sa Irish businessman na si David Rainey.      Kinasal sila last October, 2021 nang bumalik sa Ireland si Glaiza, na sabi niya ay for a vacation […]

  • Maraming lugar sa bansa nasa signal No. 1 dahil bagong bagyo – Pagasa

    Nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa ang nabuong tropical depression Lannie.     Huli itong namataan sa layong 100 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.     Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.     Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na […]