• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGIT 1M EDAD 5-11 NABAKUNAHAN NA

KABUUANG 1,233,017 mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nabakunahan laban sa Covid-19 mula nang magsimula ang Department of Health sa pagbabakuna sa bata noong Pebrero 7.

 

 

Sa online media forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na 381,433 mga bata sa ilalim ng 5-11 age bracket ay ganap na nabakunahan.

 

 

“Sa kabilang banda, 9.7 million na ang bakunadong 12 to 17 years old,” ani Vergeire

 

 

Ayon kay Vergeire, na ang mga empleyado ng gobyerno na sasamahan ang kanilang mga anak sa kanilang iskedyul ng pagbabakuna ay “maaaring maka-avail ng mga espesyal na pribilehiyo sa bakasyon”.

 

 

Tiniyak din nito sa mga magulang ng pediatric population na ang pamahalaan ay patuloy na kumukuha ng naaangkop na Covid-19 jabs para sa mga menor de edad upang maprotektahan sila laban sa Covid-19.

 

 

March 11 nang aprubahan ng Food and Drug Administration ang  emergency use authorization (EUA) para sa Sinovac’s CoronaVac na nagpapahintulot na ang  Chinese vaccine ay gagamitin sa pediatric vaccination.

 

 

Sinabi naman noong Martes ni  National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje na isinasapinal na ng mga eksperto ang  alituntunin para sa pagbibigay ng bakuna sa Covid-19 ng Sinovac para sa mga batang 6 taong gulang pataas.

 

 

Dagdag pa ng Cabotaje na magbibigay ang bakuna ng karagdagang dami ng proteksyon para sa mga bata at magulang na maaaring hindi gustong gumamit ng Pfizer Covid-19 na bakuna. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Gilas Pilipinas kasama ang South Korea sa Group A ng FIBA World Qualifiers

    Makakasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers ang New Zealand at South Korea.   Nasa Group B naman ang Australia, China, Japan at Taiwan.     Habang sa Group C ay ang Jordan, Lebanon, Indonesia at Saudi Arabia.     Pinangunahan naman ng bansang Iran ang Group D kasama […]

  • Dumaan din sa matinding depresyon dahil sa problema: ALDEN, ‘di inakalang darating sa buhay ni SHARON at mamahalin

    INAMIN ni Asia’s Multimedia Media Star Alden Richards na dumaan din pala siya ng matinding depresyon.      Naramdaman daw niya na parang wala na siyang silbi sa entertainment industry, na kung saan ika-12 na taon na niya nitong December 8.     “Parang naabutan lang ako ng maraming problema during that time,” pag-amin ng […]

  • Paggamit ng booster shots ‘di pa inirerekomenda sa ngayon – DOH

    Nanindigan ang DOH na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ang paggamit ng booster shots ng COVID-19 vaccine dahil wala pang sapat na ebidensiya ng pangangailangan ng karagdagang dose ng covid vaccine.     Binigyang diin ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa aniya mairerekomenda ang paggamit ng booster shots hanggang wala pang pinanghahawakan […]