• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Preparasyon sa FIBA World Cup pukpukan na

IKAKASA  na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang puspusang paghahanda para sa FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon.

 

 

Buo na ang grupong magpapatakbo ng torneo para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng FIBA World Cup sa Pilipinas na tatakbo mula Agosto 10 hanggang Set-yembre 25.

 

 

Nagpulong na sina SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan, President Al Panlilio, Executive Director Sonny Barrios, Executive Advisor to the President Ricky Vargas at Special Assistant to the SBP President coach Ryan Gregorio.

 

 

Nais ng SBP na masiguro na nasa tamang direksiyon ang paghahanda ng Pilipinas na nakalinya sa standards ng FIBA.

 

 

Kaya naman madalas na binibigyan ng SBP ang FIBA head office sa Geneva, Switzerland upang ipaalam ang estado ng preparasyon para sa World Cup.

 

 

“This hosting is MVP’s lasting gift to our nation. Together, we will show the world that having a shared passion leads to a strong nation,” ani Panlilio.

 

 

Nangunguna sa lista­han ng SBP ang maibigay ang kilalang katangian ng mga Pilipino ang mainit na pagtanggap sa mga bi­sita o hospitality para sa lahat ng dadalo sa torneo.

 

 

“We are hoping that during the buildup to the World Cup, each and every Filipino joins hands in welcoming our guests and to help us showcase the value of ‘Bayanihan’ to the world,” bahagi ni Vargas.

 

 

Naniniwala si Pa­ngilinan na kahit maliit na bansa ang Pilipinas, kaya nitong magtaguyod ng isang world class competition gaya ng FIBA World Cup na dadaluhan ng pinakamahuhusay na basketball players sa mundo.

 

 

Kabilang na sa mga darating sa bansa ang powerhouse United States Dream Team na binubuo ng mga NBA stars.

 

 

Handa si Pangilinan na ibuhos ang buong suporta nito para sa lubos na tagumpay ng torneo.

 

 

“We will be exhausting all our efforts and resources to prove to the world that the Philippines can organize and host the world’s biggest sporting events,” ani Pangilinan.

 

 

Magiging katuwang ng Pilipinas sa hosting ang Japan at Indonesia na magsisilbing co-hosts.

Other News
  • Costa Rica, ginulat ang Japan matapos talunin sa nagpapatuloy na FIFA World Cup, 1-0

    Ginulat ng bansang Costa Rica na ika-31 sa FIFA world ranking nang pataubin ang ika-24 sa ranking na Japan matapos talunin sa score na 1-0.   Dahil dito, buhay pa rin ang pag-asa ng Costa Rica na makalusot round of 16.   Nagpanalo sa koponan ang late left-footed effort ni Keysher Fuller.   Bigo naman […]

  • Christian Bale Reveals Surprising Influences For His Villain, Gorr In ‘Thor: Love & Thunder’

    CHRISTIAN Bale reveals the surprising influences behind his villain, Gorr the God Butcher, in Thor: Love and Thunder.     After first being introduced in 2011’s Thor, Chris Hemsworth’s titular God of Thunder would go on to star in two additional solo films as well as a number of Avengers team-up movies. Thor: Love and […]

  • PAGTANGGAL SA BUDGET NG PAO LABORATORY UNCONSTITUTIONAL MILYONG MAHIHIRAP NA PILIPINO MAAPEKTUHAN

    IGINIIT ng dalawang batikang abogado na sina Atty Larry Gadon at Atty Glenn Chong  na obstruction of justice ang ginagawa ng dalawang senador na kinabibilangan nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara kasunod ng kanilang insertion o pagnanais na huwag bigyan ng pondo ang nasabing laboratoryo.   Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, chief […]