• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGTANGGAL SA BUDGET NG PAO LABORATORY UNCONSTITUTIONAL MILYONG MAHIHIRAP NA PILIPINO MAAPEKTUHAN

IGINIIT ng dalawang batikang abogado na sina Atty Larry Gadon at Atty Glenn Chong  na obstruction of justice ang ginagawa ng dalawang senador na kinabibilangan nina Senator Franklin Drilon at Senator Sonny Angara kasunod ng kanilang insertion o pagnanais na huwag bigyan ng pondo ang nasabing laboratoryo.

 

Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, chief ng Forensic Laboratory Division ng PAO na brazen abuse of power ang ginagawa ng dalawang naturang senador para matigil ang ginagawang pag tulong sa mga mahihirap.

 

“Abuso sa kapangyarihan at unconstitutional ang ginagawa ng dalawang senador na yan dahil lamang sa kalaban ng kliyente nila (Accra) ang mga tinutulungan naming mahihirap,” saad ni Erfe. Mag dudulot din ito ng tinatawag na “chilling effect” sa mga regular na empleyado ng gobyerno.

 

Sinabi naman ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, na matagal ng may “kill PAO Forensic Lab” na pinag iinitan ng dalawang senador na isang panggigipit sa mahihirap na kliyenye ng PAO upang hindi makapag testify laban sa mgannasa likod ng dengvaxia case. Patuloy naman na nanawagan ang PAO sa pangunguna ni Atty Persida V. Rueda-Acosta kay PDU30 na huwag sanang p[ayagan ang pag alis ng pondo ng PAO Forensics Lab. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Abueva, balik laro na matapos tanggalin ng PBA ang suspension

    TINANGGAL na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang suspension ni Calvin Abueva.   Sa inilabas na kalatas ng liga, maaari ng makasama ng Phoenix Super LPG si Abueva sa kanilang laro simula nitong araw ng Lunes.   Isinaad pa dito na aktibong lumahok si Abueva sa mga counselling program.   Bago ang nasabing desisyon ay […]

  • Sindikato sa ‘fund parking scheme’ sa DPWH, pinasisilip

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang umano’y sindikatong nasa likod ng illegal realignment ng bilyon-bilyong pondo sa panukalang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).     Ayon kay Cayetano, bilang dating Speaker ng Kamara ay nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong grupo na nagkokontrol […]

  • JUSTIN BIEBER, nakatanggap nang matitinding bashing dahil sa short dreadlocks at pinag-a-apologize

    NAKATANGGAP ng matitinding bashing sa social media si Justin Bieber dahil sa kanyang bagong hairstyle.     Nagpa-short dreadlocks si Bieber para sa release ng kanyang bagong album. Pero imbes na maraming matuwa, binash ang pop singer dahil sa inasal niyang     “cultural appropriation and racial insensitivity.”     Ayon sa isang concerned netizen: […]