• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa isang short video na ipinost sa IG: RUFFA, malinaw ang pag-amin at pinagsigawang ‘number 1’ sa puso niya si HERBERT

ANG official na pag-amin ba ni Ruffa Gutierrez sa noon pa nababalitang romantic relationship nila ng isa sa mga tumatakbong Senator ngayon na si Herbert Bautista ay naganap na sa kanyang Instagram account?

 

 

Comment nga ni Tim Yap, “IG Official na.”

 

 

Karamihan naman, mga heart emojis ang comment.  Si Bianca Manalo ay napa-“Ay giiiiirl ayan naaaaa,” heart face emojis naman ang kapatid niya na si Raymond Gutierrez at ang isa pa niyang kapatid na si Monching Gutierrez ay “clap emojis” ang comment sa post na ito ni Ruffa.

 

 

Isang short video ang ipinost ni Ruffa na malinaw na pag-amin niya kung ano si Bistek sa buhay niya ngayon, which is, sabi nga niya, number 1 sa puso niya, huh!

 

 

Sey ni Ruffa, “#8 sa balota, #1 sa puso ko!”  

 

 

Walang-duda na masayang-masaya si Ruffa dahil nasa top 8 sa bagong Pulse Asia survey si Herbert kaya pasok na pasok ito sa Top 12.

 

 

Kaya sinundan niya ang post ng hashtag na “My  Senator Made it To Top 12.”

 

***

 

 

MAPAPANOOD na sa Vivamax simula ngayong March 20 ang series na The Seniors na pinagbibidahan ni Julia Barretto kasama sina Awra Brigeula, Ella Cruz, Andrea Babierra, Gab Lagman, Andre Yllana sa direksiyon ni Shaira Advincula-Antonio.

 

 

Parang treat na rin sa friendship na nabuo sa kanilang dalawa ni Awra, way back noong debut pa ni Julia ay isa na si Awra sa nag-attend at ngayon ngang kaka-twenty five ni Julia, present pa rin si Awra sa birthday niya.

 

 

Sa isang banda, compared sa role raw ni Julia  sa The Seniors, in real-life naman daw, hindi naman daw siya nabu-bully noong High School.

 

 

     “Fortunately, I don’t have any bad experience noong High School. I think, noong 1st and 2nd year ko, I was a volleyball player so I was also active when I was in High School.

 

 

      “I think, everybody knew that I’m a volleyball player at that time.”

 

 

At idinaan na lang sa tawang sundot ni Julia, “Fortunately, no experience of being bullied in school, only in real life, Ha ha ha!”

 

 

Siyempre pa, madaling isipin na isa sa mga tinutukoy ni Julia na nambu-bully sa kanya in real life ay ang mga bashers niya, lalo na sa relasyon nila ng boyfriend na si Gerald Anderson.

 

 

And speaking of Gerald, hindi niya ito nakasama nang mag-celebrate siya ng kanyang 25th birthday. Pero dahil lalabas na raw ito nang March 15 sa lock-in taping, ‘di-malayong ngayon ito babawi sa kanya.

 

 

“I had a really, really good times. We had a good night. I was surrounded by my family and my friends and everybody that I don’t get in-touch with the past few years. It was so nice to reunite with everybody after so many years.”

 

 

At ngayong makakasama na nga niya si Gerald?

 

 

     “We’ll probably have get-together and have dinner with some friends. Maybe just some nice dinner,” sey niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • MAJA, nagtayo ng sariling management company at forever grateful sa Star Magic/ABS-CBN; ‘Niña Niño’, malapit ng mapanood sa TV5

    NAGTAYO na ng sariling management company si Maja Salvador na kung saan excited na siya sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.     Post niya sa kanyang Instagram account, “Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I […]

  • ‘Doctor Strange 2’ Video Reveals Illuminati & Charlize Theron’s Clea

    OFFICIAL footage from Doctor Strange in the Multiverse of Madness reveals the introduction of the Illuminati and Charlize Theron’s Clea.     Marvel Studios’ latest blockbuster brings back Benedict Cumberbatch into the MCU after his involvement in Spider-Man: No Way Home. In the film, he is faced with the difficult task of protecting America Chavez […]

  • Tulong sa mga sibilyang nadamay sa pagbagsak ng C-130 tiniyak ng PAF

    Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) ang tulong para sa mga sibilyan na nadamay sa pagbagsak ng C-130 aircraft kabilang ang isang 13-anyos na lalaki, isang buntis at dalawang sibilyan na kasalukuyang ginagamot sa hospital.     Nabatid na personal na pinuntahan at pinasalamatan ni PAF Wing Commander, Tactical Operations Wing Western Mindanao na si […]