• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Identified suspects sa nawawalang sabungero, pumalo na sa 8 – Año

PUMALO na sa 8 suspek ang in-identify ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

 

 

“At least eight suspects na ang ating na-identify. Sa oras na makuha na natin ang sapat na ebidensya ay hihingin na natin ang tulong ng korte,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

Aniya, sa pamamagitan ng warrant of arrest, maaari nang hanapin o tugisin ng mga awtoridad ang mga suspek upang magbigay linaw sa mga nawawalang sabungero at para papanagutin ang mga responsable sa nasabing insidente.

 

 

Marso 4, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP na kinilala ng saksi ang anim na suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena sa Santa Ana.

 

 

Sinabi ni CIDG director Police Brigadier General Eliseo Cruz na idinawit ng saksi ang 14 na katao sa pagkawala ng mga sabungero.

 

 

Nakatutok naman ang pulisya sa anim na kaso na kinasasangkutan ng 31 nawawalang sabungero: isa sa Maynila, apat sa Laguna, at isa sa Batangas.

 

 

Sa kabilang dako, ipinresenta rin ni Año ang mga pagkakahalintulad sa mga kaso gaya ng huling lokasyon ng nawawalang mga tao sa loob ng cockpit arenas.

 

 

Karamihan sa mga sasakyan na ginamit ng nawawalang mga tao ay inabandona sa lugar na malapit sa kanilang tinitirhan.

 

 

“All cockpit arenas being investigated are managed by the same administrator and operator,” ayon kay Año.

 

 

Ang mga concerned cockpit arenas ay walang nakakabit na closed circuit televisions (CCTVs).

 

 

“Most persons of interest are either security or management personnel of cockpit arenas,” dagdag na pahayag ni Año.

 

 

Samantala, lumikha aniya ang PNP ng Special Investigation Group Sabungero para ituon ang pansin sa insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

Other News
  • 5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE

    Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.     Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na […]

  • Creamline ready sa Petro Gazz

        Maglaro man o hindi sina injured players Tots Carlos at Alyssa Valdez ay handa ang Creamline na sagupain ang nagdedepensang Petro Gazz sa knockout quarterfinals ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.       Haharapin ng Cool Smashers ang Gazz Angels ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banatan ng PLDT High […]

  • 2 estudyante, delivery rider, funeral boy, karpintero kulong sa higit P300K droga sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang limang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.       Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLT COL. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Paupau”, 22, […]