Omicron sub-variant sa HK , maaaring makapasok sa Pinas- Duque
- Published on March 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING makahanap ng paraan para makapasok ng Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto sa Hong Kong.
Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibilidad na “bumisita” ang BA.2.2 sub-variant sa bansa.
“There is a possibility, Mr. President,” ayon kay Duque sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Miyerkules.
Gayunman, hindi naman masabi ng Kalihim kung ang sub-variant ay labis na makakaapekto sa bansa lalo pa’t ang nagdaang surge ay bunsod ng BA.2 variant.
“So hindi pa natin masabi kung ito ho ba ay magdudulot ng ganong ka seryosong pangyayari katulad sa Hong Kong,” dagdag na pahayag ni Duque.
Idagdag pa rito, tiniyak naman ni Duque sa publiko na ang vaccination rate ng Pilipinas ay mas mataas kumpara sa Hong Kong lalo na sa hanay ng mga lolo’t lola. Ayon sa ilang researchers, ang pagtaas ng kaso sa ibang bansa ay bunsod ng mababang vaccination rate.
“On the other hand, ‘yun po kasing vaccination coverage ng citizens sa Hong Kong mababa… so tayo mas maganda ang ating protection level,” aniya pa rin.
“We have experienced five surges… so that has also rendered out population some degree of protection as well. So from natural immunity and also from vaccination,” pahayag ng Kalihim.
Ayon kay Duque, ang vaccination rate ng mga seniors o lolo’t lola sa Hong Kong ay 33% lamang.
Aniya, patuloy namang mino-monitor ng ahensiya ang situwasyon.
“Sa ngayon… wala pang natutuklasan na BA.2.2 sublineage sa samples na nasequence ng Philippine Genome Center sa ating bansa, pero patuloy tayo nagbabantay,” ayon kay Duque.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 43) Story by Geraldine Monzon
NAGISING si Bernard na si Regine at hindi si Angela ang katabi niya sa kanilang kama. Nagulat siya nang makitang pareho silang naked. Nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Nabigla si Bernard. Ngunit mas higit na nabigla si Bela. “D-Dad?” Namutla si Bernard. Hindi niya alam kung paano ang magiging […]
-
Ads June 14, 2023
-
193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na
Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility. Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11 Lunes. Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay […]