• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon ng Department of Finance (DOF) kaugnay na rin ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

“Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF kaugnay sa pagtaas ng fuel price,” ayon kay Andanar.

 

 

“Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan. At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang inirekumenda ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Duterte na ibasura ang panukalang suspindehin ang implementasyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.

 

 

Sa Talk to the People na inere ngayong Miyerkules, sinabi ni Dominguez na imbes na suspindehin, maglalaan na lamang ng P200 kada buwan sa bawat pamilya sa loob ng isang taon para sa mga Pinoy na nasa bottom 50 porsiyento ng populasyon.

 

 

Idinagdag ni Dominguez na maglalaan ng P33.1 bilyon para pondohan ang ayuda para sa mahihirap.

 

 

Matatandaang, nanawagan ang iba’t ibang grupo kay Pangulong Duterte para ipatigil ang implementasyon ng excise tax sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis.

Other News
  • PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre  24, 2020.    Si PA Evasco ay hindi na bago sa  Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang […]

  • MARIAN, naging ‘big influence’ para magpa-vaccine na rin ang ina ng isang netizen; siya lang daw pala ang sagot

    DAHIL sa nakapagbakuna na si Marian Rivera kasama ang kanyang asawang aktor na si Dingdong Dantes, marami nga ang naenggayo na magpabakuna na rin.     Ayon sa tweet ng netizen na si Carlo, napapayag na raw magpa-vaccine ang mommy nito nang makitang natanggap na ng Kapuso Primetime Queen ang first dose ng Covid-19 vaccine: […]

  • Ads February 26, 2022